• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA, ipinag-utos ang 5-day closure ng mga sementeryo

NAGKAISA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at ang mga Alkalde ng National Capital Region na irekomenda ang pansamantalang pagsasara sa lahat ng sementeryo at public memorial parks para maiwasan ang pagsipa ng Covid-19 cases bago at sa panahon ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

 

Inaprubahan ng Metro Manila Council, kinabibilangan ng MMDA at 17 Alkalde ang isang resolusyon na nag-uutos sa local government units ng rehiyon na isara ang mga sementeryo ng limang araw mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 1, All Saints’ Day, at Nobyembre 2, All Souls’ Day.

 

“It is encouraged that individuals visit the public and private cemeteries, memorial parks and columbaria on dates earlier than October 29, 2021, or later than November 2 subject to the prescribed 30 percent venue capacity,” ang nakasaad sa resolusyon.

 

“As for the conduct of wakes, necrological services, funerals, interment, cremation and inurnment during the five-day period, the prescribed guidelines by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease shall govern,” ayon pa rin sa resolusyon. (Daris Jose)

Other News
  • 83 milyong pa lang ng SIM cards ang narerehistro

    INIULAT ng National Telecommunications Commission (NTC) na umaabot pa lamang sa halos 83 milyon ang mga SIM cards na nairehistro na sa ilalim ng SIM Card Registration Act.     Ito ay ilang araw na lamang bago ang deadline ng rehistro sa Abril 26, 2023.     Hanggang nitong Abril 23, 2023, nasa 82,845,397 na […]

  • PSC sumaklolo sa mga atletang biktima ng bagyo

    Naghahanda na ang Philippine Sports Commission (PSC) upang i-release ang financial assistance sa mga miyembro ng national team na nasalanta ng sunod-sunod na bagyo. Nakipag-usap na ang PSC sa national sports associations (NSAs) upang malaman kung sino-sinong mga atleta ang naapektuhan ng nakaraang mga kalamidad. Ayon sa ulat, tumanggap ang ahensya ng mga ulat na […]

  • BBM: Siguruhing ligtas ang mga estudyante, guro sa F2F

    NANINIWALA si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nararapat nang simulan ang pagbubukas ng mga eskwelahan, subalit hiniling niya sa pamahalaan na siguruhing maayos ang paglatag ng programa gayun din ang pagpapatupad ng mahigpit na panuntunan sa ‘health and safety’ protocol para sa mga piling estudyante, guro at personnel na makikilahok sa gagawing ‘pilot […]