MMDA maghihigpit sa paggamit ng e-bikes, e-scooters
- Published on June 21, 2022
- by @peoplesbalita
MAGHIHIGPIT ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa enforcement ng Land Transportation Office (LTO) order upang maging maayos ang paggamit ng e-bicycles at e-scooters dahil sa mga maraming aksidenteng nangyayari na kinasasakungkutan nito.
Sinabi ni MMDA Traffic Discipline Office for Enforcement Victor Nunez na gusto lamang nilang magkaron ng road safety sa paggamit ng e-bikes at e-scooters.
Dagdag pa niya na ang MMDA ay naging maluwag sa pagpapatupad ng LTO’s Administrative Order 2021-039 na siyang nagaayos ng paggamit ng e-bikes at e-scooters dahil na rin hindi pa 100 percent capacity ang mga pampublikong transportasyon noong may pandemya.
“Now, since mass public transport is back to 100 percent capacity and face-to-face classes are about to resume in a couple of weeks, we know that many students might use these e-bikes and e-scooters. We just want to promote road safety,” wika ni Nunez.
Sa ilalim ng LTO order, ang mga e-bikes at e-scooters ay limited lamang sa mga bicycle lanes, barangay (community) road at dapat sila ay magbibigay ng right of way sa mga incoming traffic. Hindi rin sila pinapayagan na dumaan sa gitna ng mga pangunahing lansangan.
Ayon sa MMDA, may 346 road crashes at accidents ang kanilang naitala sa paggamit ng e-bikes at e-scooters sa langansang ng Metro Manila noong nakaraang taon habang may 82 pa ang nasangkot ngayon.
Sa kabilang dako naman, may naitalang pagbaba ang MMDA ng mga sasakyan na dumadaan sa EDSA dahil na rin sa gitna ng tumataas na presyo ng produktong gasolina.
“The MMDA estimated that around 392,000 cars traversed EDSA on June 9. The figure was lower than the 417,000 vehicles that passed through the busiest thoroughfare in Metro Manila on May 5. This is also lower than the average daily volume of 405,000 cars on EDSA before the COVID-19 pandemic struckt,” wika ni MMDA general manager Romando Artes.
Ayon kay Artes ang mga car owners ay hindi na lamang gumagamit ng kanilang mga sasakyan dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng produktong gasolina. Halos lingo-lingo na lamang ay tumataas ang presyo nito.
Dahil din dito ay ang mga drivers at operators ng PUVs tulad ng jeepneys, taxis at ride-hailing app services ay humihinto na lamang na pumasada.
Tumaas na naman ang presyo ng diesel at kerosene ng P4.30 at P4.85 kada litro, respectively. Ang gasoline naman ay tumaas ng P2.15 kada litro. LASACMAR
-
Habang wala pang bakuna ang DOH: Halamang gamot vs pertussis, itinulak
ITINUTULAK ni Sen. Francis “Tol” Tolentino ang paggamit ng herbal medicine para labanan ang pertussis outbreak sa ilang bahagi ng bansa, habang hinihintay ng Department of Health (DOH) ang pagdating ng anti-pertussis pentavalent vaccine. Noong Martes, inirekomenda ni Tolentino ang paggamit ng lagundi, isang halamang gamot sa ubo at sipon, na sagana sa […]
-
Witness the Origin: New Trailer for “Transformers One” Unveiled at San Diego Comic-Con
DISCOVER the untold origin of a legendary rivalry! Get ready to witness the story that reshaped our world with the new trailer for “Transformers One,” unveiled at San Diego Comic-Con. Starring Chris Hemsworth, Brian Tyree Henry, Scarlett Johansson, and Keegan-Michael Key, this groundbreaking film opens exclusively in cinemas on September 18. […]
-
Tagumpay ang romcom serye ng Puregold Channel: WILBERT at YUKII, ‘di binigo ang tagasubaybay ng ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile”
NAGWAKAS na kamakailan ang pinakabagong hit na serye ng Puregold Channel ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile. Ang isang season finale na talaga namang nakapagpasaya at nakapagpakilig sa mga tagasubabay, dahil sa wakas, nagtagpo na ang mga bidang sina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi), na nagpasyang maghiwalay ng landas sa nakaraang episode ng […]