MMDA, nag-hire ng 1,000 traffic enforcers
- Published on July 17, 2021
- by @peoplesbalita
KUNG may nangyayaring sibakan sa puwesto ay nag-hire naman si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Benhur Abalos ng 1,000 traffic enforcers para sa MMDA.
Napaulat kasi na may 240 tauhan ng District Traffic Enforcement Unit sa Lungsod ng Maynila ang sinibak sa puwesto.
“Sa amin po sa MMDA ay nag-hire pa kami ng 1,000 na additional na traffic enforcers. Kaya kung makikita ninyo po . ito’y nakakalat sa buong Kalakhang Maynila lalo na po sa mga panahon ngayon,” ayon kay Abalos.
Nauna rito, kinumpirma ni Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Leo Francisco na tinanggal niya sa puwesto ang 240 tauhan ng District Traffic Enforcement Unit.
Ito ay yung mga matagal ng naka-assign sa nasabing unit kung saan ayon kay Gen. Francisco, ang mga pinagtatanggal niya ay pawang overstaying na sa posisyon.
Nasa lima hanggang 11 taon silang nakadestino at ang itinira na lamang niya ay ang hepe upang magtuluy-tuloy ang promosyon.
Sinabi ni Gen. Francisco na natuklasan niyang nasa duty lamang ang mga nasabing traffic police kapag rush hour o mula alas-6 ng umaga hanggang alas-8:00 ng umaga, at kapag hapon mula alas-4:00 hanggang alas-8:00 ng gabi.
Aniya, pagkatapos ng rush hour ay hindi na sila mahagilap at hindi na rin nagsisibalik sa opisina.
Napalitan na lahat ang miyembro ng nasabing unit at nagtakda na rin siya ng panuntunan upang makatiyak na hindi makapandaraya sa oras ng duty ang bawat police.
Ang bawat pulis na itinalaga niya sa traffic ay kinakailangan magpakita sa headquarters ng MPD bago ang simula ng trabaho at magre-repoort naman sa station commander kung saan sila naka-assign kapag pauwi na habang mag-iikot naman ang ilang opisyal para masigurong nasa duty ang mga ito.
Napag-alaman pa ni Gen. Francisco na maraming pulis ang gustung-gusto na madestino sa traffic at iba sa kanila ay nagpapatulong pa sa mga kaibigan upang makabalik sa kanilang posisyon pero hindi na niya ito papayagan. (Daris Jose)
-
Kauna-unahang ‘Walk of Faith’ ng Itim na Nazareno mapayapa – PNP
MAPAYAPA sa kabuuan ang kauna-unahang “Walk of Faith” sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno na nagsimula kaninang ala-1:30 ng madaling araw. Ayon kay Manila Police District (MPD) PBGen. Andre Dizon batay sa kanilang naging initial assessment simula kaninang madaling araw hanggang ngayong hapon, mapayapa at walang naiulat na mga untoward incident. […]
-
Magat dam, handang harapin ang mga posibleng kasong isasampa sa kanila ng mga LGU
NAKAHANDA ang pamunuan ng National Irrigation Administration na may superbisyon sa Magat dam na haharapin nila ang anumang reklamong ihahain laban sa kanila hinggil sa pagpapakawala ng tubig sa nasabing dam na sinasabing dahilan ng malawakang pagbaha sa Cagayan. Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni NIA Administrator RGen. Ricardo Visaya na magandang oportunidad […]
-
PAGCOR, nangako ng P300M grant para i-upgrade ang mga pasilidad ng PNPA
NAKATAKDANG magkaloob ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ng P300 million na financial grants sa Philippine National Police Academy (PNPA), para tustusan ang pagsasaayos ng mga pasilidad nito at magbigay ng advanced training para sa mga kadete nito. Sinabi ng PAGCOR, saklaw ng grant ang konstruksyon ng PNPA Alumni Association building na magsisilbi bilang administrative […]