MMDA: Trapik, lalo pang sisikip habang papalapit ang Pasko
- Published on December 9, 2023
- by @peoplesbalita
INAASAHAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lalo pang pagbigat ng daloy ng trapiko habang papalapit ang Pasko.
Ayon kay MMDA chairperson Atty. Romando Artes, dapat nang asahan ng publiko ang masikip na traffic simula ngayong araw, Disyembre 7, na hudyat ng Christmas season.
Partikular na tinukoy ni Artes ang mga weekends ng Disyembre 15 at 22 na may pinakamabigat na daloy ng trapiko.
Aniya, ang Disyembre 15 ay payday weekend kaya’t asahan nang marami ang magla-last minute shopping.
Ang Disyembre 22 naman ay ‘weekend going to Christmas’ kaya’y inaasahan naman nilang dadagsa na ang mga taong magsisiuwian sa mga lalawigan upang doon ipagdiwang ang Pasko.
Hindi naman umano nila aalisin ang number coding window hours dahil wala namang “carmaggedon” na sitwasyon sa mga lansangan.
Samantala, higit pa umanong paiigtingin ng MMDA ang kanilang clearing operations sa Mabuhay Lanes upang magkaloob ng alternatibong ruta sa Metro Manila drivers ngayong holiday season.
Payo pa niya sa publiko, umiwas sa Christmas rush sa weekends upang hindi maipit sa masikip na daloy ng trapiko.
-
NBA veteran Dwight Howard maglalaro para sa Taiwan team
Ang walong beses na NBA All-Star na si Dwight Howard ay nagselyado ng deal na maglaro para sa isang koponan sa Taiwan at ang 36-anyos na center ay gagawa ng kanyang debut sa susunod na linggo. “I am so excited. I can’t wait to touch down in Taiwan and start playing,” sabi ni Howard […]
-
PNP pinagbabawalan na ang pulis na may nakalantad na tattoo
NAGLABAS Philippine National Police (PNP) ukol sa pagkakaroon ng mga tattoo ng mga personnel, applicants at maging ang mga kadete sa akademiya. Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, na lamang ng PNP Memo 2024-023 na dapat magsumite ng affidavit na kanilang tatanggalin ang mga tattoo ng mga personnel na nakalantad. […]
-
Sa work muna magpo-focus: MAUI, hiwalay na sa longtime partner pero magkasama pa sa house
HIWALAY na ang former Viva Hot Babe na si Maui Taylor sa kanyang longtime partner kung kanino meron siyang dalawang anak na lalake. Paliwanag ni Maui na co-parenting sila sa mga bata: “We’re co-parenting. We’re in one house pero I sleep in a different room. Matagal na siyang ganung setup. Walang pakialamanan.” […]