Modernisasyon sa DOH, target ni Health Sec. Herbosa ngayong 2024
- Published on January 23, 2024
- by @peoplesbalita
TINATARGET ngayon ng Department of Health na magpatupad ng modernisasyon sa buong Kagawaran ng Kalusugan ngayong taong 2024.
Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, sa ngayon ay binabalangkas na ng mga opisyal ng kanilang kagawan ang mga plano nito para gawing moderno ang DOH.
Ito ay alinsunod pa rin sa layunin ng ahensya na mas matugunan pa ang issue sa inequity sa mga probisyon ng primary healthcare services para sa mga Pilipino.
Aniya, kabilang sa kanilang mga inihahandang plano ay ang pagtatayo ng mga ambulatory primary care centers na mayroong kumpletong laboratoryo, mga gamotm at imaging upang hindi na kailanganin pang makipagsiksikan ng mga pasyente sa malalaking mga pagamutan sa bansa. (Daris Jose)
-
Paggamit ng vape sa indoor public places, papatawan ng multa na P5K-P20K
PAPATAWAN ng mabigat na parusa ang mga mahuhuling maninigarilyo ng vapes sa indoor public places kabilang na sa government offices, mga paaralan, paliparan at simbahan. Sa inisyung department administrative order ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagsasaad ng implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 11900 o ang Vaporized […]
-
‘Family Fued’, hindi pa rin mapataob: DINGDONG, hindi basta-basta papatol sa patama ni WILLIE
KILALANG hindi mapagpatol sa mga intriga ang Kapuso aktor Dingdong Dantes. Kung kaya inaasahang hindi sasagot si Dingdong sa mga pasaring ng TV host Willie Revillame. May mga binitiwan kasing mga patama si Willie kanyang programang ‘Wil to Win’ na obvious naman ay para sa katapat niya na ‘Family Feud’. […]
-
Mahigit 5,000 na kabahayan na low-income members ang napautang na – PAG-IBIG Fund
AABOT na sa mahigit 5,000 mga kabahayan ang naipautang ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund para sa mga minimum wage earners at low-income members. Ayon sa PAG-IBIG, na ang mayroong kabuuang 5,411 na mga socialized homes ang kanilang naipautang o na-finance mula Enero hanggang Abril 2022. Binuo ito ng […]