• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mojdeh hataw pa ng 3 ginto sa Iloilo

WALANG makapigil sa matikas na kamada ni Brent International School standout Micaela Jasmine Mojdeh nang sumisid pa ito ng tatlong gintong medalya sa 2022 National Invitational Sports Competition kahapon sa Iloilo Sports Complex.

 

 

Binuhat ni Mojdeh ang Calabarzon Region sa matikas na kampanya nito matapos masikwat ang gintong medalya sa girls’ 400m IM (5:18.51), 100m butterfly (1:05.26) at 200m butterfly (2:25.01).

 

 

“I’m so happy and I’m quite satisfied with my performance today compared yesterday. I’m just thankful to my coaches, my family and to all my friends who keep on cheering for me,” ani Mojdeh.

 

 

Sa kabuuan, may limang gintong medalya na si Mojdeh sa torneo kasama ang kanyang dalawang ginto sa 50m butterfly (29.89) at 200m IM (2:30.10) sa opening day.

 

 

Susubukan ni Mojdeh na walisin ang lahat ng asignatura nito sa pagsabak sa kanyang ikaanim na event sa 100m breaststroke ngayong araw sa kanyang ika-16 kaarawan.

 

 

Nagparamdam din ng lakas sina Lucena City pride Nicholas Ivan Radovan at Marcus Johannes De Kam na humataw ng tig-dalawang ginto sa ka­nilang kategorya.

 

 

Naghari si Radovan sa boys’ 200m butterfly (2:11.88) at 100m butterfly (58.61) habang humirit pa ito ng isang tanso sa 400m IM (5:06.11).

 

 

Sa kabilang banda, pinatunayan ni De Kam na isa ito sa pinakamahusay na freestyle sa bansa matapos kubrahin ang ginto sa boys’ 100m freestyle (55.07) at 200m freestyle (2:02.15).

 

 

Nag-ambag naman ng pilak si Hugh Antonio Parto sa boys’ 200m butterfly (2:13.94) habang nakatanso si Yohan Mikhail Cabana sa boys’ 50m backstroke (29.03).

 

 

“We are happy with the results that we are getting right now and we’re hoping to win more medals on the final day of the competition,” ani Calabarzon coach Virgilio de Luna.

Other News
  • Saludo sa asawa at sa lahat ng mga nanay.: DENNIS, pinasilip na ang first photo ni Baby D na kamukha ni JENNYLYN

    PINASILIP na ni Dennis Trillo ang first photo ng anak nila ni Jennylyn Mercado,na si Baby D sa mismong araw ng mga ina. Caption ni Dennis, “Araw mo ngayon mahal ko, gusto ko lang sabihin na napaka swerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya. Deserving ka talaga na magkaroon ng isang pang napaka […]

  • Bata pa ay nag-struggle na sa mental health niya: Bunsong kapatid nina ELIJAH na si JM, pumanaw na edad na 17

    NAPAKABATA sa edad na 17 ay pumanaw na ang dating child actor na si JM Canlas.       Bunsong kapatid nina Elijah Canlas at Jerom Canlas. Pumanaw ito noong Huwebes, August 3 ng umaga.       Walang binigay na dahilan o sanhi ng kamatayan, pero ang kapatid niya na si Jerom ay nag-post […]

  • Tourist arrival target ng bansa nalagpasan na – DOT

    IPINAGMALAKI ng Department of Tourism na nalagpasan na nila ang kanilang year-end target na tourist arrvivals.     Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, na mayroon ng 5.070 milyon ang naitalang international visitors na malinaw na nalagpasan ang 4.8-M na target ngayong taon.     Sa nasabing bilang ay nagdala ito ng P439.5 bilyon na […]