Most wanted na magnanakaw sa QC, nasilo ng NPD sa Bulacan
- Published on April 15, 2025
- by @peoplesbalita
NAGWAKAS na ang mahigit dalawang taong pagtatago ng 42-anyos na Most Wanted Person na akusado sa kasong pagnanakaw sa Quezon City nang matunton ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa lalawigan ng Bulacan.nnInatasan ni NPD District Director P/BGEN. Josefino Ligan si P/Capt. Romel Caburog, hepe ng Intelligence Group (IG) na samahan ang mga tauhan ng Camarin Police Sub-Station-10 sa pagdakip sa akusado nang makatanggap sila ng impormasyon sa kinaroroonan nito.nnDakong alas-10:30 ng gabi nang pasukin ng mga tauhan ng NPD ang bahay ng akusado sa Expansion II, Heroes Ville 1, San Jose Del Monte, Bulacan, bitbit ang warrant of arrest na inilabas ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Evangeline C. Castillo Marigomen ng Branch 101 noon pang Abril 3, 2023 para sa kasong Robbery.nnBukod sa ginawang koordinasyon ng NPD sa lokal na kapulisan ng San Jose Del Monte at barangay, gumamit din ang mga pulis ng alternative recording device upang mai-rekord ang ginawa nilang pagdakip sa akusado.nnAyon kay BGEN. Ligan, naglaan ang hukuman ng P100,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado, na nakapiit ngayon sa Camarin Police Sub-Station 10, habang hinihintay pa ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Quezon City Jail. (Richard Mesa)
-
Atas ng DSWD sa mga regional director: Bilisan ang pagpapalabas ng food packs
SINABIHAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga regional director na bilisan ang pamamahagi ng relief packs sa mga lugar na apektado ng kamakailan lamang na bagyo at Habagat. Ani Gatchalian, nagpalabas ang National Resource Operations Center (NROC) ng libo-libong kahon ng family food packs (FFPs) sa […]
-
Nude photo ni J.Lo, pinagkaguluhan social media
BREAKING the internet ang nude photo ni Jennifer Lopez na cover ng kanyang new single na “In the Morning.” Nagkagulo sa social media dahil sa hubo’t hubad na photo ni J.Lo! Bago i-drop ang new single, nagpatikim ang 51-year old singer-actress ng teaser video bilang pang-promo. Ang kanyang racy cover ay kuha nina […]
-
Naniniwala na may competition kahit saan: BILLY, open pa rin sa possibility na mag-work sa alinmang noontime shows
OPEN pala si Billy Crawford sa possibility na magtrabaho sa alinmang noontime shows ngayon na umeere sa magkakaibang TV networks. Huling noontime show ni Billy ay “Tropang LOL” ng Brightlight Productions. Ongoing noontime shows ngayon ay “It’s Showtime” ng Kapamilya Network sa GTV at A2Z, “Eat Bulaga” sa GMA-7 at “E.A.T.” […]