Most wanted person, nasilo sa Valenzuela
- Published on May 20, 2023
- by @peoplesbalita
ISANG 57-anyos na mister na listed bilang most wanted ang nasakote sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Primitivo Sardoma, 57 ng No. 59 B. Elysian Subdivision, Brgy. Marulas.
Sa ulat ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/Lt Ronald Bautista, kasama ang lima pa sa ilalim pangangasiwa ni SIDMS Chief P/Cpt Robin Santos ng manhunt operation kontra wanted person.
Hindi na naapalag ang akusado nang arestuhin ng mga operatiba ng WSS sa kahabaan ng A. Pablo Street, Barangay Karuhatan, dakong alas-4:20 ng hapon.
Ani Lt Bautista, ang akusado ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 171, noong April 7, 1999 para sa kasong Arson.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.
Pinuri naman ni P/MGen Edgar Alan Okubo, RD, NCRPO ang Valenzuela police sa kanilang walang tigil na manhunt operation alinsunod sa pinaigting na kampanya laban sa mga wanted person na pinaghahanap ng batas. (Richard Mesa)
-
P112 milyon gagastusin ng DepEd sa mga iskul na nawasak kay ‘Karding’
AABOT sa mahigit P112 milyon ang inisyal na halagang kakailanganin ng Department of Education (DepEd) sa pagkukumpuni ng mga paaralang winasak ng super bagyong Karding. Sa preliminary assessment report ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) ng DepEd, 20 paaralan ang nagtamo ng infrastructure damage na matatagpuan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, […]
-
MAGTIPID NG TUBIG, EL NIÑO KAKABIG – PAGASA
NANAWAGAN ang isang hydrologist sa publiko, partikular sa mga residente ng Metro Manila, na magtipid ng tubig dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng water level sa ilang mga dam. Ayon kay hydrologist Sonia Serrano, sa kanilang pagbabantay sa Angat Dam na nagsusuplay sa 98 porsyento ng potable water sa Metro Manila […]
-
Lakas-CMD pormal ng nakipagsanib-pwersa sa administrasyon para halalan 2025
INANUNSYO ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez noong Biyernes ang opisyal na pakikipag-alyansa ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa administrasyon upang punan at suportahan ang mga kandidato sa congressional-local election sa Mayo 2025. Ginawa ni Romualdez ang anunsiyo sa national convention ng partido, na dinaluhan ng mga pangunahing opisyal at miyembro ng Lakas-CMD […]