• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Most wanted person sa pagpatay nalambat sa Navotas

SA kalaboso ang bagsak ng isang mister na listed bilang most wanted sa kasong murder matapos malambat ng pulisya sa manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek bilang si Raul Sioson, 56 ng Brgy. NBBN ng lungsod.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Ollaging na dakong alas-2:05 ng hapon nang maaresto ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at IDMS ng Navotas police si Sioson sa manhunt operation in relation to S.A.F.E. NCRPO sa Kalatog Pinggan St., Barangay NBBN.

 

 

Ani Ollaging, unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng WSS na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar kaya agad silang nagsagawa ng police operation.

 

 

          Si Sioson ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 74, Malabon City, noong September 19, 2018 para sa kasong Murder. (Richard Mesa)
Other News
  • Traditional jeepneys balik kalsada ngayon

    Balik kalsada ang may humigit kumulang na 6,002 na traditional jeepneys ngayong araw ng Biyernes matapos ang tatlong buwang pagkahinto ng operasyon nito.   Pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang partial operation ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa mga piling lugar sa National Capital Region (NCR).   Binuksan ng LTFRB […]

  • Ads March 18, 2021

  • ‘Wonder Woman 1984’, Now Streaming on HBO GO

    HBO GO give Filipinos the chance to catch Wonder Woman 1984, the much-celebrated DCEU film that broke the film company’s streaming records, as it exclusively premieres on the HBO streaming app starting today, April 21.       In this much-awaited sequel, viewers are taken back in time to the vibrant and fashionably wild 80’s era where […]