• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Most wanted person sa statutory rape, nabitag ng NPD sa Malabon

NALAMBAT ng mga operatiba ng District Intelligence Division ng Northern Police District (DID-NPD) ang isang machine operator na listed bilang most wanted sa dalawang bilang ng statutory rape sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City.

 

 

Kinilala ni DID Chief P/Col. Alex Daniel ang naarestong akusado bilang si Jose Ryan Sarmiento, 42, machine operator ng Blk. 5 Lot 18 Champaca St., San Roque, Navotas City.

 

 

Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen Ponce Rogelio Penones Jr, sinabi ni Col. Daniel na nakatanggap sila ng impormasyon na madalas umanong nakikita ang akusado sa Malabon City.

 

 

Agad bumuo ng team ang DID sa pamumuno ni P/Cpt Glenn Mark De Villa saka nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-11:40 ng umaga sa 290 C. Arellano St., Brgy. Baritan, Malabon City.

 

 

Ani Cpt De Villa, ang akusado ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court, Branch 9 ng Navotas City, para sa kasong 2 counts ng paglabag sa Art. 266-A of the RPC as amended (Statutory Rape).

 

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility ng DIDMD NPD habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.

 

 

Pinuri naman ni P/MGen Edgar Alan Okubo, RD, NCRPO ang operating team sa kanilang walang tigil na manhunt operation alinsunod sa pinaigting na kampanya ng PNP laban sa mga wanted person na pinaghahanap ng batas. (Richard Mesa)

Other News
  • Bilang ng mga walang trabaho sa bansa, bumaba sa 2.76M – PSA

    NAKAPAGTALA ang Philippine Statistics Authority (PSA) nang pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa unang bahagi ng taong ito.       Ito ay sa gitna pa rin ng patuloy na pagrecover ng bansa mula sa naging epekto ng COVID-19 pandemic.       Sa idinaos na press conference ng naturang kagawaran kaninang […]

  • WORST SCENARIO, HANDA ANG MAYNILA

    TINIYAK ni Manila Mayor Isko Moreno na nakahanda ang pamahalaang Lungsod ng Maynila sa “worst possible scenario’ ng COVID-19.   Sinabi ni Domagoso na sa nagdaang dalawang linggo ginagawa na ng pamahalaang lungsod ang 24/7 monitoring at pagpapaigting ng contact tracing  upang mapigil ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Maynila.   “[We are […]

  • DIETHER, naaksidente na nga pero nakuha pang laitin ng netizen

    NAAKSIDENTE ang aktor na si Diether Ocampo.     Seriously injured si Diet matapos bumangga ang kanyang SUV sa isang nakaparadang truck ng basura.     Ang malungkot, naaksidente na nga ang aktor pero may mga tao na nag-comment pa ng hindi maganda sa Twitter.     Post ng netizen sa kanyang twitter handle na […]