• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Motor vehicle inspection kailangan bago ang rehistro sa LTO

Muling nagbigay ng paalala ang Land Transportation Office (LTO) sa mga motorista na kailangan ang motor vehicle inspection bago ito marehistro.

 

 

May option ang mga motorista kung gusto nilang tingnan ng isang awtorisadong private motor vehicle inspection center (PMVIC) o ng LTO ang kanilang mga sasakyan.

 

 

Ayon sa LTO parehas na lamang ang presyo ng inspection para sa roadworthiness sa PMVIC at pribadong emission testing center (PETC).

 

 

Sa ilalim ng Philippine Air Act, ang mga sasakyan ay kinakailangan na magkaron din ng inspeksiyon ng roadworthiness sa isang PMVIC kung saan ito ay libre lamang dahil ang emission testing ay kasama na sa mga sunod-sunod na testing para sa safety at roadworthiness ng isang sasakyan.

 

 

“We can prevent the unnecessary loss of lives and properties on our roads just by making sure that the vehicles are safe and roadworthy. A road crash can happen anytime.  An unsafe vehicle on the road can kill and deadly as a vehicle driven by a drunk driver. A poorly maintained vehicle can experience mechanical failures that may end into a terrible crash,” wika ni Department of Transportation (DOTr) usec Arturo Tuazon.

 

 

Ang inspeksiyon na ginagawa ng mga testing centers ay naaayon sa adhikain ng DOTr na ang mga sasakyan na tumatakbo sa mga kalsada ay siguradong safe at roadworthy.

 

 

Mula sa datus ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)-TEC-Road Safety Unit noong 2019, nagkaron ng 121,771 road crashes sa Metro Manila o 334 na cases kada araw. Sa datus na ito, ang naitalang patay ay 372 habang may 20, 466 na nagkaron ng non-fatal injuries. Mayron naman naitalang 100,933 na nasira ang mga ari-arian.

 

 

Samantala, sinabi ni Tuazon na sa ginawang opinyon ng Office of the Solicitor General (OSC) ay wala ng balakid sa legality na ang mga sasakyan ay sumailalim sa motor vehicle inspections para sa safety at roadworthiness bilang bahagi ng requirement sa proseso ng pagrerehistro sa LTO.

 

 

“Based on the OSG’s opinion, the DOTr and LTO have the authority to ensure the roadworthiness of motor vehicles under Administrative Code of 1987, LTO charters, and other laws,” dagdag ni Tuazon.

 

 

Sa ilalim pa rin ng opinyon ng OSG’s, sinasabi rito na ang LTO at DOTr ay maaaring magbigay legally ng authorization sa mga PMVICs na magsagawa ng inspeksiyon ng mga sasakyan na nababatay sa mga administrative issuances.  (LASACMAR)

Other News
  • Gilas Pilipinas nagdagdag ng mga manlalaro para ensayo nila

    NAGDAGDAG ng dalawang manlalaro ang Gilas Pilipinas para sa kanilang paghahanda sa ilang mga laro nila sa mga susunod na araw. Ayon kay Gilas program director and team manager Alfrancis Chua, na idinagdag nila sina RJ Abarrientos at Ralph Cu sa training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna. Magsisimula ang training camp ngayong Martes […]

  • China warships, nilabag ang NOTAM habang isinasagawa ang PH-US-France WPS exercise -Balikatan executive agent Colonel Michael Logico

    NILABAG ng Chinese warships ang notice to mariners (NOTAM) matapos mamataan habang isinasagawa ang maritime exercise ng naval forces ng Pilipinas, Estados Unidos at France sa West Philippine Sea (WPS). Sinabi ni Balikatan executive agent Colonel Michael Logico na ang report ay ipadadala sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) para sa […]

  • Sa first Tiktok Series sa Pilipinas na ’52 Weeks’: Tiktok Superstar na si QUEENAY, bidang-bida na at makatatambal si JIN

    BIDANG-BIDA ang isa Tiktok Superstar na si Queenay Mercado, na una naming napanood sa ‘Sing Galing’, na kung saan makatatambal niya ang ‘It’s Showtime’ Ultimate BidaMan winner na si Jin Macapagal, sa kauna-unahang Pinoy Tiktok series na “52 Weeks.”   Matapos nga ang matagumpay na launching ng digital series na “GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes” at […]