• June 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Motorsiklo nabangga ng kotse, rider todas

NASAWI ang isang rider matapos mabangga ng kotse na nag-counter flow ang minamaneho niyang motorsiklo sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Quezon City Medical Hospital sanhi ng tinamong pinasala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Mhark Asentista Sales, 37, chief mechanic at residente ng 72 Ph 9 Blk 2 Payatas Quezon City.

 

 

Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property ang driver ng Mitsubishi Mirage na may plakang (NEE-3447) na si Jerric Ampalo, nasa hustong gulang ng 277 Carriedo St., Muzon San Jose Del Monte Bulacan.

 

 

Batay sa report ni PCpl Joemar Panigbatan kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Mc-Arthur Highway sakay ng kanyang Suzuki raider patungong Monumento Circle, Caloocan City.

 

 

Pagsapit sa kanto ng Calli Kwatro Brgy. 78, dakong alas-2:00 ng madaling nang mabangga ang biktima ng kotse na minamaneho ng suspek na dapat ay patungong Monumento Circle subalit, nag-counter flow umano ito.

 

 

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima sa simentadong kalsada na naging dahilan upang agad na isinugod ng rumespondeng ambulansya ng Caloocan DRRMO sa Caloocan City Medical Center (CCMC) subalit, inilipat din ito sa QCM Hospital kung saan siya binawian ng buhay.

 

 

Sumuko naman sa pulisya ang driver ng kotse na dinala sa CCMC para sa medical at physical examination at base sa kanyang medical certificate ay positibo siya sa alcoholic breath. (Richard Mesa)

Other News
  • Huwag gamiting bulletproof vest ang OVP staff at sagutin ang alegasyon ng ₱612.5M fund misuse

    TINULIGSA ng mga lider ng kongreso si Vice President Sara Duterte ang lantaran umano nitong pagtatangka na iwasan na sagutin at managot sa alegasyon ng iregularidad sa paggamit umano ng ₱612.5 milyong confidential funds sa pamamagitan ng paggamit bilang “buffer” sa kanyang staff.     “The Vice President must stop hiding behind her staff. They […]

  • EDITORIAL PCUP todo-suporta sa programang ‘Buhay at Bahay Program’

    NANGAKO ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa pangunguna ni Undersecretary Elpidio Jordan Jr., na susuportahan ang ‘Buhay at Bahay Caravan’ ni QC 2nd District Councilor Mikey Belmonte, matapos ang isinagawang Memorandum of Understanding signing na ginanap noong nakalipas na Biyernes.     Alinsunod sa agenda ni Pangulong Bongbong Marcos na iangat ang […]

  • Pabirong sinisi sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy: ALEX, hindi na pine-pressure ang sarili na mabuntis

    “HINDI ko na pini-pressure ngayon. Dati kasi prinessure ko, pero ang ate (Toni Gonzaga) ko ang nabuntis!” pahayag ni Alex Gonzaga sa presscon ng ini-endorse na Chef Ayb’s Paragis Tea kasama sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.   Suportado naman siya ni Mommy Pinty… “Dati ayaw pa niyang ipatanggap sa akin ang mga concert sa […]