Movie nina ALDEN at BEA, magso-shoot na at balitang nahihirapan na maghanap ng location
- Published on January 25, 2021
- by @peoplesbalita
BUSY at back to work na muli si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, matapos mai-showing sa GMA-7, ang very successful at nag-trending na number 1 sa Twitter ang Alden’s Reality, A TV Special.
Last Thursday, January 21, absent si Alden sa noontime show nilang Eat Bulaga, dahil may digital shoot siya ng nag-renew niyang wine commercial.
Ngayon ay naghahanda na rin si Alden sa pagbabalik ng reality kiddie singing competition ng GMA Network na Centerstage na hinahanap nila ang mananalong Bida Kid. Si Alden ang host nito with Kapuso comedian Betong Sumaya at mga judges naman sina Soul Diva Aicelle Santos-Zambrano, musical director Maestro Mel Villena at Concert Queen Pops Fernandez.
Ayon sa teaser ng programa, nakatakdang ibalik ang Centerstage next month sa GMA-7. Hindi pa nila sinabi kung ilang weeks na lamang mapapanood ang show bago ang grand finals nito.
Samantala, sa February rin daw ang simula ng shooting ng new team up nina Alden at Bea Alonzo ng A Moment to Remember na co-production venture ng Viva Films at GMA Pictures.
Totoo kayang nahihirapan silang maghanap ng location para sa lock-in shooting nila ng movie na ididirek ni Ruel Nuval?
***
AS we go to press, wala pa kaming detalye ng kasal nina Kapuso actor Rocco Nacino at fiancée niyang si Melissa Gohing.
Ito lamang ang Instagram post ni Rocco, 2hours ago last January 22. “Yes… we… did.. 21-2-21 (January 21, 2021) Meet my wife, Mrs. Melissa Gohing-Nacino.”
Ipinakita nina Rocco at Melissa ang kanilang suot na wedding ring, naka-wedding gown si Melissa at mukhang white uniform ng Philippine Navy ang suot ni Rocco dahil isa siyang Philippine Navy Reservist.
So, congratulations and best wishes to the newlyweds, Rocco and Melissa!
***
KUNG masasabing biglaan ang wedding nina Rocco Nacino at Melissa Gohing, ang dating katambal ni Rocco at aktres na si Kris Bernal ay naghahanda na ng kanilang kasal ni Chef Perry Choi, kahit sabi niya ay next year pa ang wedding nila.
Nag-post na si Kris sa paghahanda nila sa kasal.
“Wedding Suppliers Checklist. Since you are part of my life and you are part of my journey, I’ll share with you one of my most anticipated lifetime event preparations: My wedding with Perry. Here’s the very first day of our meetingwith our events coordinator, @kathrynkimtorres @kimtorresevents. Please recommend suppliers for us! Thank you.”
Dapat ay ngayong 2021 magpapakasal sina Kris at Perry, habang ipinatatayo na nila ang bago nilang bahay, pero dahil sa umiiral na pandemic, hindi muna nila itinuloy, dahil sabi nga ni Kris, mahirap dahil sa health protocols na dapat sundin.
Sa ngayon ay wala pa rin namang exact date ang wedding nina Kris at Perry, pero tuloy ang construction ng bago nilang bahay. (NORA V. CALDERON)
-
Giit ng DBM: Walang iregularidad sa ₱588.1B unprogrammed appropriations sa 2023 budget
IGINIIT ng Department of Budget and Management (DBM) na walang iregularidad sa ₱588.1 billion unprogrammed appropriations sa ilalim ng panukalang ₱5.268-trillion budget para sa taong 2023 sa gitna ng pagkabahala ng mga mambabatas. “Details of these unprogrammed appropriations (UA) are available for public and Congress scrutiny,” ayon sa DBM. Nauna rito, sinabi […]
-
TRICYCLE DRIVER TIMBOG SA PANUNUHOL SA PARAK
KALABOSO ang isang 47-anyos na tricycle driver matapos at tangkain suhulan ng pera ang mga pulis na nag-isyu sa kanya ng ordinance volation receipt (OVR) dahil sa paglabag sa traffic restriction code sa Malabon City, kahapon ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Art 212 of RPC o ang Corruption of Public Official […]
-
PBBM, titintahan ang 3 kasunduan sa kanyang pagbisita sa Australia
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tatlong kasunduan na naglalayong palakasin ang relasyon ng Pilipinas at Australia ang nakatakdang tintahan sa kanyang pagbisita sa Australian capital Canberra. “I anticipate an enhancement of the mutual understanding between the Philippines and Australia as we share a common vision not just for our bilateral […]