• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Movie teaser ng ‘Hello, Love, Again’, pinusuan ng netizens: KATHRYN at ALDEN, kinakiligan ang pagkasa sa ‘Maybe This Time’ dance challenge

PATULOY na pinag-uusapan ang upcoming movie na “Hello, Love, Again” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na idinirek ni Cathy Garcia-Sampana.

 

 

Last week ay inilabas ang official movie teaser sa YouTube account ng ABS-CBN Star Cinema (na may 341K views) at GMA Network (205K views), na pinusuan ng netizens.

 

 

Mapapanood nga na nasa Canada ni Joy ang character ni Kath, samantalang nasa Hong Kong si Ethan (Alden). Kaya miss na miss na nila ang isa’t-isa.

 

Sa kalagitnaan ng teaser, ipinakita ang eksenang umorder si Joy ng one hot Americano tall sa coffee shop kung saan nagtatrabaho si Ethan.

 

Say ni Ethan, “One hot Americano for Joy” pero kinorek ito ni Joy ng, “for Marie”. Lumabas sa eksena ang karakter ni Joross Gamboa at ang masayang sinagaw na “Joy” pero sinabi ni Ethan na “Marie.”

 

Sabay sabi ng character ng aktres na, “Joy is gone” at dito nagtapos ang teaser na puno ng kalungkutan.

 

Kaya ang tanong, magpapatuloy pa ba? O tatapusin na? Dahil sa naturang movie teaser ay mas lalong na-curious ang netizens sa magiging takbo ng love story nina Joy/Marie at Ethan sa “Hello, Love, Again” na handog ng Star Cinema at GMA Films, na mapapanood sa November 13.

 

Samantala, kinilig ang netizens at pinusuan nila sa in-upload ni Alden sa kanyang TikTok account last week. Dahil kumasa sila ni Kath sa nausong “Maybe This Time” dance challenge.

 

“Maybe this time, we’ll make that future happen,” caption ng aktor, kalakip ang hashtag na “HelloLoveAgain.

 

At nang i-check namin ay meron na itong 724.5K na views.

 

Malaking challenge din ito sa tambalan KathDen kung mabi-break nila ang record ng “Hello, Love, Goodbye” na sinira ng MMFF movie na “Rewind” Nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • NCAP pinahinto ng Supreme Court (SC)

    EN BANC ang pagpapatupad ng no-contact apprehension   policy   (NCAP)   na   ginagawa   ng   Metropolitan   Manila   Development  Authority (MMDA) at ng limang (5) lokal na pamahalaan sa Metro Manila.     Nagbigay ng temporary restraining order (TRO) ang SC bilang sagot sa petitions na inihain ng magkakahiwalay laban sa pagpapatupad ng NCAP.     “It issued the […]

  • 3 security guard 3 pa, arestado sa shabu sa Caloocan

    Kulong ang anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang tatlong security guard matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan city.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-2 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng […]

  • 13 years na silang masayang magkasama: SOLENN at NICO, nag-celebrate na ng 8th wedding anniversary

    NAG-CELEBRATE ng kanilang 8th wedding anniversary ang celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico.   Nag-share ng photo nila ni Nico si Solenn via Instagram na may caption na: “4 years of dating, 1 year engaged, 8 years married. After 13 years, you still make me laugh, put effort into our everyday life, […]