MPD NAG-INSPEKSIYON SA SEMENTERYO SA LUNGSOD
- Published on October 18, 2022
- by @peoplesbalita
NAGSAGAWA ng inspeksyon na ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa mga sementeryo sa lungsod bilang paghahanda sa papalapit na Undas.
Ayon kay MPD Director Brig.General Andre Dizon, ilalatag ang paghahanda sa seguridad pero kailangan pa ring may paghihigpit dahil nasa gitna pa ng pandemya.
Una nang sinabi ni Dizon na mga 1,000 kapulisan ang kanyang ipapakalat sa mga sementeryo sa Maynila na magbabantay sa seguridad ng mga bibisita lalo na sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery.
Dagdag pa ni Dizon, magpapatupad din ng anti- anti-criminality procedure upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Pinaalalahanan din ng heneral ang publiko na huwag magdala ng mga matatalas o armas.
Nauna na ring pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang publiko na ipinagbabawal na magdala ng mga inuming nakalalasing, nasusunog na materyales, baril at anumang matutulis na bagay tulad ng kutsilyo, pamutol, atbp., videoke o anumang sound system na maaaring magdulot ng malakas na tunog, deck ng mga baraha, bingo card. , o anumang uri ng pagsusugal sa loob ng Manila North Cemetery at Manila South Cemetery simula Sabado, Okt. 29 hanggang Miyerkules, Nob. 2.
Hindi rin papayagan makapasok ang mga batang edad 12 pababa gayundin ang mga hindi bakunado.(Gene Adsuara)
-
ESTUDYANTE MALUBHA SA BALA
ISANG 17-anyos na estudyante ang nasa malubhang kalagayan matapos barilin ng tatlong teenager sa naganap na riot ng dalawang magkalabang gangs sa Malabon city. Isinugod ng kanyang ina sa Tondo Medical Center subalit, kalaunan ay inilipat sa Philippine Orthopedic Center kung saan patuloy na ginagamot ang biktima na itinago sa pangalang “Roger” ng […]
-
Ads November 21, 2020
-
Donaire tutok sa training camp
Todo ensayo na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire ilang araw bago ang pagbabalik-aksyon nito kontra kay Puerto Rican Emmanuel Rodriguez sa Disyembre 19 (Disyembre 20 sa Maynila) sa Mohegan Sun Arena sa Montville, Connecticut. Kabilang sa mga tinututukan ang diet ni Donaire upang matiyak na tama ang nutrisyong nakukuha nito sa kanyang mga […]