MPIC hindi na interesado sa MRT 3
- Published on March 24, 2025
- by @peoplesbalita
MALAMANG na hindi na ituloy ng Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) ang
kanilang intensyon na muling magbigay ng unsolicited proposal para sa operasyon at pagmimintina ng Metro Rail Transit Line 3.
Ito ang naging pahayag ni MPIC chairman Manuel V. Pangilinan kung saan sinabi rin niya na ang kanilang proposal ay nag expired na.
“For me, we are unlikely to refile our submission to Secretary Vivencio Dizon. It is difficult to consider submitting again because no tariffs are being approved. Our company has submitted an unsolicited proposal for the MRT 3 O&M during the tenure of former Transportation Secretary Jaime Bautista,” wika ni Pangilinan.
Ang MPIC ay isa sa pangunahing sangay ng Philippine- unit ng Hong Kong based na First Pacific Co. Ltd kasama ang Philex Mining Corp. at PLDT Inc.
Noong nakaraang January ay sinabi ni Public-Private Partnership (PPP) Center
Executive Director Jeffrey Manalo na ang Department of Transportation (DOTr) ay tinanggihan ang mungkahi ng MPIC na isang unsolicited para sa MRT 3.
Dagdag ni Manalo na sinabihan na ng DOTr ang MPIC sa kanilang desisyon na
hindi nila binigyan ng konsiderasyon ang nasabing mungkahi at ito naman ay naaayon sa procedures na binigay ng PPP Code kasama ang mga implementing rules and regulations.
Taong 2024 ng inihayag ng DOTr ang kanilang plano na magkaron ng bidding
para sa O&M ng MRT 3 concession na dapat ay naganap noong unang quarter ng taon kasalukuyan.
Ang grupo ng Sobrepena na siyang pangunahing investor ng Metro Rail Transit Corp. (MRTC) na siyang namamahala sa O&M ng MRT 3 ay ibabalik na sa pamahalaan
ang operasyon ng MRT 3 ngayon darating na July upon expiration ng build-operate-transfer agreement sa pagitan ng MRTC at ng pamahalaan na pinangugunahan ng DOTr.
Dahil dito, ang pamahalaan ay nagbalak na isailalim ang pamamahala ng MRT 3
sa pribadong sektor bago pa man matapos ang kontrata ngayon tao.
Ayon naman sa DOTr ay kanilang masusing pinag-aaralan at nirerepaso pa ang mga privatization options para sa MRT 3 kung saan ang Asian Development Bank
(ADB) ay tumutulong sa kanilang pag assess kung kanilang itutuloy ang solicited o di kaya ay unsolicited approach para sa nasabing proyekto.“To date, PPP Center has not yet received any new/re-submission of the proposal that was returned by DOTr. We do know that DOTr is preparing for a solicited bid for the MRT 3 with the development studies being funded by the Project Development and Monitoring Facility managed by the
PPP Center, saad ni Manalo. (LASACMAR)
-
Comment ni RABIYA sa pagsali ni NEIL sa ‘PBB’, hinihintay ng netizens; ex-bf handang ikuwento ang dahilan ng paghihiwalay
HANDA ikuwento ng ex-boyfriend ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na si Neil Salvacion ang dahilan nang paghihiwalay nila sa pagsali nito sa reality show na Pinoy Big Brother. Sa naging audition video ng 27-year-old nurse na taga-Iloilo City: “Ako po ay isang COVID nurse na dapat ay mag-a-abroad pero mas piniling […]
-
Ex-Top 3 cop ng PNP na si PLTGEN Santos Jr. na dawit umano sa 990KG drug haul, iginiit na inosente siya sa naturang mga alegasyon
IGINIIT ni dating PNP Deputy Chief for Operation na si PLGEN Benjamin Santos Jr. na siya ay inosente at walang kinalaman sa mga alegasyong ibinabato laban sa kaniya na may kaugnayan sa ilegal na droga. Ito ay matapos na makaladkad ang kaniyang pangalan sa kaso ng 990 kilo ng shabu na nasabat mula […]
-
‘Tips’ vs cybercrime, ibinahagi ng PNP
Dahil sa dumaraming kaso ng cybercrime kaya muling nagpaalala at nagbigay ng tips ang Philippine National Police (PNP) upang maiwasang mabiktima ng mga ito. “Avoid unsecured Wi-Fi hotspots; set your device so that it doesn’t automatically connect to external sources”. Isa ito sa ibinahaging paalala at tips ng Philippine National Police […]