• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MPTC mamumuhunan ng P2B upang pagdugtungin ang CAVITEX, CALAX

Maglalaan ang Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) ng P2 billion upang pagdugtungin ang Cavite Toll Expressway (CAVITEX) at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).

 

 

Ito ang pahayag ni Roberto Bontia, president at general manager ng MPTC-unit ng Cavitex Infrastructure Corp. (CIC), sa isang virtual briefing na ginanap. Sinabi rin ni Bontia na ang construction ng isang (1) kilometrong connector ay maaaring simulan sa ngayon huling taon o di kaya ay maaga sa susunod ng taon.

 

 

Itatayo ang nasabing connector dahil sa inaasahang pagtatapos ng construction ng 45-km na CALAX sa taong 2023.

 

 

“What is definite in terms of extension of CAVITEX is our connection to CALAX. We call that the Segment 4 extension, which will connect Kawit to the last interchange of CALAX. That will be roughly one kilometer of elevated toll road that will connect CAVITEX and CALAX. That’s one definite project we are going to undertake, hopefully late this year or early next year,” wika ni Bontia.

 

 

Samantala, ang CIC kasama sa isang joint venture ang Philippine Reclamation Authority (PRA) ay patuloy ang ginagawang completion ng CAVITEX C5 Link project.

 

 

Ang CAVITEX C5 Link ay ang 7.7- kilometer na 2×3 expressway na magdudugtong sa CAVITEX R1 papuntang C5 Road sa Taguig. Ang nakalaang pondo dito ay P15 billion para sa Segments 2 at 3.

 

 

“Since 2019, C5 Link segment 3A-1 connecting Merville to C5 Road has been operational, while constructions of Segment 3A-2 stretching from E. Rodriguez to Merville, and Segment 2 from CAVITEX R1 Interchange to Sucat Interchange are underway,” saad ni Bontia.

 

 

Ang construction progress ng Segment 3A-2 ay 30 percent at inaasahang matatapos sa unang quarter ng darating na taon. Habang ang Segment 2 naman ay may 17 percent na construction progress at matatapos sa fourth quarter ng 2022.

 

 

Samantala ang construction ng Segment 3B mula Sucat hanggang E. Rodriguez ay inaasahang matatapos sa unang quarter ng susunod na taon.

 

 

Kapag natapos na ang CAVITEX C5 Link, ito ay makakabawas ng travel time mula CAVITEX papuntang Taguig at Makati ng hanggang 30 at 45 minutes. Ang nasabing link ay inaasahang din na mabibigyan ng benepisyo ang may 50,000 na motorista lalo na yoon mangangaling mula sa Taguig, Makati, Las Pinas at Pasay.  LASACMAR

Other News
  • 22-K bilanggo pinalaya – Año

    Humigit kumulang 22,000 detainees ang pinalaya sa hangad na luwagan ang mga overcrowded nang bilangguan sa buong bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Sa isang statement, sinabi ni DILG chief Eduardo Año na 21,850 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula Marso 17 hanggang Hulyo 13 sa loob ng 470 kulungan na hawak […]

  • SC, inilabas na ang buong desisyon ng Anti-Terror Law

    INILABAS na ngayon ng Supreme Court (SC) ang full decision at separate opinions sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020.     Ito ay ilang buwan matapos ilabas ng kataas-taasang hukuman ang dalawang bahagi ng naturang batas bilang unconstitutional.     Siyam na critical questions naman ang kinilala ng SC bilang core issues sa 235 […]

  • Caloocan City Jail naka-heightened alert dahil sa riot

    SINIBAK na sa pwesto ang Jail Superintendent ng Caloocan City Jail, matapos ang madugong riot na ikinasawi ng anim na preso at 33 ang sugatan.     Ayon kay BJMP Spokesperson JSupt. Xavier Solda nag assume na ngayong araw bilang Officer-in-Charge ng pasilidad si Jail Superintendent Lloyd Gonzaga matapos alisin sa pwesto si Jail Superintendent […]