• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MRT 3 at LRT: bawal mag-usap at gumamit ng cellphone sa loob ng trains

Pinagbawal ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) ang paggamit ng cellphones at mag-usap sa loob ng dalawang rail lines.

 

Sa isang advisory mula sa MRT 3 sinabing ang polisiya ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga pasahero at sa loob ng trains.

 

“To avoid the possible spread and infection of the virus among commuters, answering phone calls and talking inside the trains are now prohibited,” ayon sa advisory.

 

Muling pinaalalahanan ng pamunuan ng MRT 3 ang mga pasahero na magsuot ng face masks sa lahat ng oras upang maiwan ang pagkalat ng droplets sa mga trains lalo na kung nagsasalita o umuubo at humatsing.

 

Namimigay din ang mga empleyado ng Department of Transportation (DOTr) ng mga health declaration forms sa mga commuters bago sila pumasok sa mga stations at sumakay sa trains na siyang gagamitin sa contact tracing.

 

“Commuters are required to state on the health declaration forms their name, address, contact number, station entry, date and time, temperature, and whether they are manifesting symptoms of COVID-19,” wika ng DOTr.

 

Ayon sa DOTr, ang mga health measures na ito ay ginagawa ng pamunuan ng MRT 3 upang masigurado ang kaligtasan ng mga pasehero at empleyado nito.

 

Noong July 11 ay may naitalang may 281 na empleyado ang positive sa COVID 19 mula sa kabuuhang 3,300 na personnel ng MRT3.

 

Karamihan sa mga nagpositbo sa COVID-19 ay mga depot personnel at station employees at may kasama rin na ticket sellers.

 

Matapos ang 5-day na shutdown ng operation ng MRT 3, ang naka deploy at tumatakbong trains sa ngayon ay 13 na lamang mula sa 16 hanggang 19 na trains.

 

At dahil sa kokonti ang tumatakbong trains ng MRT 3, may mahabang pila ng mga commuters sa mga stations ang nararanasan ngayon.

 

“No talking” din ang polisiya sa LRT Line 1 upang maiwasan ng pagkalat ng COVID 19 virus subalit kung “life and death situation” ay maaari silang gumamit ng cellphones subalit kinakailangan may suot pa rin silang face masks.

 

Ayon sa pamunuan ng LRT 1, sinusunod lamang nila ang warning ng World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH) na kung ang isang tao ay infected ng COVIC 19, “talks, sneezes or coughs” droplets ay maaaring lumabas sa kanilang bibig at ilong na maaaring malanghap ng ibang tao o pasahero sa train. (LASACMAR)

Other News
  • Maging proud and responsible pet parents: ALDEN, nananawagan ng ‘fair treatment’ sa mga Aspin sa campaign ng PAWS

    NANG lumabas ang campaign ng National Aspin Day, na ini-launch ng PAWS, kinatuwaan ang post ni Alden Richards, na “I Love (heart emoji) My Aspin” na kasama ang aso niyang si Chichi.       He is the newest celebrity spokesperson who will join Heart Evangelista in promoting aspins, na ini-encourage nila ang mga owners ng asong Pinoy […]

  • IWAS COVID-19

    PANDEMIC na ang COVID-19, sambit ng World Health Organization (WHO) na ibig sabihin ay mala-king bahagi na ng daigdig ang kinalatan ng virus.   Maging ang Switzerland at Austria na masyadong mahigpit sa pagbabantay para hindi makapasok ang virus ay mayroon nang tig-isang kaso. Maski sa Middle East ay nakapasok na ang COVID-19 ma-karaang may […]

  • 2 arestado sa baril at shabu sa Valenzuela

    Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng baril at P68,000 halaga ng shabu sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Sa report ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong 11:40 ng gabi nang i-served ng […]