MRT-3 naghain muli ng petisyon sa taas-pasahe
- Published on July 5, 2023
- by @peoplesbalita
NAGHAIN muli kahapon ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng petisyon para sa taas-pasahe sa Rail Regulatory Unit (RRU) ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, na siya ring officer-in-charge ng MRT-3, layunin ng petisyon na maitaas ang kanilang boarding fare sa P13.29, mula sa dating P11 lamang, o dagdag na P2.29.
Hiniling din nila sa petisyon na mapahintulutan silang maitaas ang distance fare ng mula P1 kada kilometro at gawin itong P1.21 kada kilometro.
Sinabi naman ni DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez na inaasahan nilang mailalabas ang desisyon sa kanilang petisyon matapos ang dalawang buwan.
Ani Chavez, tulad ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2), wala ring fare adjustment ang inaprubahan para sa MRT-3 sa nakalipas na walong taon.
Noong nakaraang buwan naman, inianunsiyo ng DOTr na pinahintulutan na ang taas-pasahe sa LRT-1 at LRT-2, simula sa Agosto 2.
-
SC hinimok ideklarang unconstitutional P125-M transfer sa OVP confidential funds
NAGHAIN ng petisyon sa Korte Suprema ang isang grupo ng mga abogado, atbp. para ideklarang labag sa Saligang Batas ang paglipat ng P125 milyong confidential funds para sa Office of the Vice President. Sa 49-pahinang petisyong isinumite ngayong Martes, inilalaban ngayon ng naturang grupo na maibalik ng OVP ang kontrobersyal na halaga sa […]
-
Placement fee sa OFWs, pinatitigil
PINATITIGIL ng mga senador ang pangongolekta ng placement fee mula sa mga Filipino na nagnanais na makapagtrabaho sa ibang bansa. Ayon kay Senate Majority leader Joel Villanueva, dapat pairalin na sa lahat ng OFWs ang patakaran ng Japan na ‘no charging of placement fee’. Paliwanag pa ni Villanueva, sa ilalim ng […]
-
Walang galit kahit iniwan silang mag-ina: RABIYA, umaasa pa rin na makikita at makakausap ang biological father
UMAASA pa rin daw si Miss Universe Phiippines 2020 Rabiya Mateo na makikita at makakausap ang biological father niya. Isang Indian national ang ama ni Rabiya na ang pangalan ay Syed Mohammed Abdullah Moqueet Irfan Hashmi at doktor ito sa Chicago, Illinois, USA. Sey ni Rabiya na wala raw […]