• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mukhang nagkabalikan na sila: KC, tinuturong ‘mystery girl’ sa IG story post ni ALY

PINAG-UUSAPAN ngayon sa netizens kung si KC Concepcion nga ba ang kasama ng dating Azkals player na si Aly Borromeo nitong nagdaang Valentine’s Day?

Sa Instagram story ay nagbahagi ito ng larawan na may kayakap na babae na nakasuot ng cream na jacket at naka-ponytail ngunit may takip ang mukha ng isang heart sticker.

Caption pa ni Aly, “Happy Valentine’s!! [pink heart emoji].

Pero kahit na tinakpan pa ang mukha ng mystery girl ay sobrang obvious daw na hulma ito ng mukha at walang duda na ang anak ni Megastar Sharon Cuneta iyon.

Nagkaroon tuloy ng ispekulasyon na nagkabalikan sila nang dumalo ang anak ni Gabby Concepcion sa isang football event last year kung saan naroon din si Aly.

Nagbahagi pa noon si KC ng mga litrato sa event at naroon nga ang ex niya.

 

Nang tanungin naman ang Megastar ay tumanggi itong magsalita tungkol sa lovelife ni KC.

Sinabi nitong ang anak na mismo ang tanungin tungkol doon dahil ayaw raw niyang masira ang tiwala nito lalo na at matanda na ito.

Positibo naman ang mga komento ng netizens kung sakaling totoo na nagkabalikan na nga ang dalawa…

“obvious nmn d nagkasya Yung sticker. ”

“Happy for them. Aly comes from nice family also.”

“Sana sila na ang end game. Pareho anak ng mayaman. ”

“I was rooting for them before and I’m rooting for them again now. Sana wedding bells na.”

“Halata namang si KC yan eh!”

Happy for them!!! Enjoy love birds!”

“So happy for them. Aly is a very decent guy and God fearing. Naligaw lang ng landas si KC. Both families know each other well. Sana forever na yan.”

“Mega likes him, sana sila na talaga :)”

“Happy Hearts sila sna may forever na sa kanila wishing you both the best in life KC and Aly. ”

“Love is sweeter the second time around. So happy for this couple! Good luck 👍

(ROHN ROMULO) 

Other News
  • Lolo todas sa motorsiklo sa Malabon

    NASAWI ang 71-anyos na lolo matapos mabangga ng motorsiklo habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.     Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang biktimang si Rolando Cua ng No. 28 Tuazon St. Brgy.Bangculasi, Navotas City.     […]

  • Online sellers na ‘tax evaders’ iba-block ng BIR

    NAGBABALA ang Bureau of Internel Revenue (BIR) sa mga online sellers at E-marketplaces na ipatitigil ang kanilang mga operasyon kung hindi magbabayad ng buwis ng partikular ngayong Kapaskuhan. Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr., pinaigting ng ahensiya ang kampanya laban sa mga Online Marketplaces, E-Marketplaces at Online Sellers dahil ngayon ang panahon na […]

  • LeBron, iba pang NBA stars agaw pansin sa costume sa annual halloween party

    Ilang mga NBA superstar ang nag-trending din nang hindi magpahuli sa kanilang halloween attire.     ‘Wagi si LeBron James ng Lakers sa kanyang get up bilang si Freddy Krueger.     Si Russell Westbrook ay bilang si Chucky sa pelikulang Child’s Play film franchise.     Gayundin ang 19-year NBA veteran na si Carmelo […]