• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Muling nakasama ang pamilya at mga kaibigan: BB, todo pasasalamat kay MARIEL sa pagho-host ng welcome party

MASAYA si Nadine Samonte sa kanyang big acting comeback sa upcoming Kapuso afternoon series na “Forever Young.”

 

 

Kasama ni Nadine sa proyekto ang “Firefly” award-winning child star na si Euwenn Mikaell.

 

 

Gaganap na mag-ina sa serye sina Nadine at Euwenn, na magbibigay ng matinding emosyon sa mga manonood.

 

“Sobrang natuwa ako sa GMA kasi nabigyan ako ng chance na mailabas ko ‘yung acting ko. Masasabi ko dito talagang binigay ko ‘yung best ko talaga kasi parang, sabi ko, ‘This is my comeback.’

 

They really need to watch, it’s nakaka-touch. Iba talaga ‘yung bonding namin and connection namin ni Euwenn, malalim,” saad ng aktres.

 

Puring-puri din ni Nadine ang child star na iba raw mag-isip sa edad nito.

 

“Si Euwenn ang direktor namin dito. Minsan siya ang director, siya yung lapel, lahat siya na. Alam mo ‘yun lahat pabiro pero iba talaga yung isip ni Euwenn, hindi siya isip bata eh, sobrang mature niya mag-isip,” natatawang sabi ni Nadine.

 

Ang “Forever Young” ay kuwento ng isang 25-anyos na si Rambo (Euwennn), na nakakulong sa katawan ng pang-10 taong gulang dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism.

 

Kasama sa cast sina Michael de Mesa, Eula Valdez, Alfred Vargas, Chanda Romero, Althea Ablan, Yasser Marta, Matt Lozano, Bryce Eusebio, at James Blanco.

 

***

 

MULING nagbabalik sa bansa sa BB Gandanghari.

 

Sa Instagram account ni Mariel Padilla, ang asawa ng kapatid ni BB na si Sen. Robin Padilla, makikita ang inihandang pag-welcome ng pamilya ni BB sa Pilipinas. Ito rin ay ang kaniyang birthday celebration.

 

Ani Mariel, “Happiest birthday @gandangharibb. welcome home!!!”

 

Sa comments section ng naturang post, makikitang nag-reply ng pasasalamat si BB kay Mariel.

 

“Super thank you my dearest @marieltpadilla for not only hosting my grandest party ever 😘 you also took the time to invite people who are dear to me, My heart is full. You are the best among the rest… haha. Love you.”

 

Sa Instagram account naman ni BB ay nagpasalamat siya sa selebrasyong ito.

 

Ani BB, “Sa lahat ng bumati… maraming salamat sa Inyo. I feel your joy for me. Happy na, Birthday pa‼️ Super grateful @robinhoodpadilla and @marieltpadilla #FamilyTies #ToMamaWithLove #FamilyTime #Bonding 🎉❣️”

 

Tinawag niya rin ang event na ito na kaniyang homecoming.

 

Ani BB, “A moment of love, joy and peace amongst family and friends”

 

***

 

HINDI makalilimutan ni ‘American Idol’ season 7 runner-up David Archuleta ang Pilipinas dahil sa pagmamahal na binigay ng kanyang Pinoy fans sa kanya noon at hanggang ngayon.

 

“I miss the Pinoy Archies (fans) and the Pinoys, the people, the culture, the food. I feel like the Philippines is so good in making people feel at home and feel welcome. I’ve been waiting six long years to come back, there’s the whole pandemic and everything that happened. When I come here, not only are they big fans of ‘American Idol,’ the songs I have released. But I feel like we act the same,” sey ni David na nagkaroon ng concert sa New Frontier Theatre.

 

Pakiramdam daw ni David na Pinoy siya sa dati niyang buhay.

 

“When I come I’m like, I see myself so much in the Filipino culture, so I’m like, oh my gosh, am I Filipino? Everyone thought so. I just feel so a part of everyone here, and they’re a part of my life now,” sey pa ng 33-year old American-German-Honduran singer na paborito ang mangga, sisig, pancit, bangus at adobo.

 

Back in 2012, pinagbida si David sa teleserye ng TV5 titled ‘Nandito Ako’ kunsaan nakatambal niya sina Jasmine Curtis-Smith at Eula Cabalero.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Nadal, nag-anunsyo ng pagreretiro, matapos talunin ni Lehecka sa Madrid Open

    Nag-anunsyo na ng pagreretiro ang 22-time Grand Slam champion na si Rafa Nadal matapos mabigo kay Czech Jiri Lehecka sa Madrid Open nitong Martes.       Ito na umano ang kanyang huling pagpapakita sa isang torneo.       Nabatid na nanalo siya ng limang beses sa Madrid Open sa mga nakalipas na taon. […]

  • Close lang pero ‘di pa papunta sa seryosong relasyon: Post ni DARREN, nag-viral dahil kay CASSY na nasa reflection ng eyeglasses

    NAKAMIT din ni former senator and Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang kanyang master’s degree mula sa Philippine Christian University (PCU), kung saan siya kumuha ng Master in Management, Major in Public Administration.     Noong nakaraang Sabado, August 27, kasama si Manny na nagmartsa sa 79th Commencement Exercises ng PCU sa Philippine International Convention Center […]

  • MAHARLIKA FUND, MAGIGING FLOODGATES OF CORRUPTION

    MAGDUDULOT lamang ng katiwalian at maapektuhan ang benepisyo ng mga SSS at GSIS member lalu na ang  pensyon ng senior citizens.     Ito ang pangamba ni Father Noel Gatchalian, chairman ng Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa panukalang pagsusulong ng House Bill 6398 o Maharlika Investment Fund Act.     […]