• July 18, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Muling sumabak sa heavy drama series: GABBY, humanga kina KYLIE at KAZEL na first time makatrabaho

MULING sumabak sa heavy drama Kapuso series si Gabby Concepcion sa ‘My Father’s Wife.’

Huli niyang ginawa ang fantasy series na ‘My Guardian Alien’ na umere nitong nakaraang taon kung saan kasama niya si Marian Rivera.
Kamusta ang shifting sa isang super heavy drama na serye?
“Well, okay naman dito dahil parang Alien din ito, pareho kami ni Jak Roberto sa ibang mundo e,” ang umpisang hirit ni Gabby.
“So hindi… pero ito si Jak, first time kong makakasama, nagkataon naman na he’s a rider also, we have something in common, all of a sudden, oo.
“Aside from the fact na kasama ko yung sister niya, sa First Lady and First Yaya.”Younger sister ni Jak si Sanya Lopez na leading lady ni Gabby sa dalawang nabanggit na Kapuso shows.
Nasa ‘My Father’s Wife’ si Kylie Padilla na gaganap na anak ni Gabby sa show.
Kumusta kasama ang anak ni Senator Robin Padilla na si Kylie?
“First time kami lahat magsasama-sama, except for Snooky (Serna), bago itong cast na ito.”
“Okay siya, okay siya, very professional naman lahat, halatang nag-workshop lahat ng artista, parang hindi ano, ako lang baguhan dito e,” ang tumatawang pagbibiro ni Gabby, “kaya nag-a-adjust pa.”
First time din ni Gabby katrabaho si Kazel Kinouchi na gaganap na karelasyon niya.”Nag-research na ako sa kanila e,” pag-amin ni Gabby.
Ayon naman sa isang interbyu ni Kazel ay sinabi nitong masaya raw na nakatrabaho si Gabby.
“Maganda, maganda si Kazel, I think ilang years pa lang si Kazel sa GMA, so ang galing naman!
“Parang nakikita ko sa kanya yung mga role ni Cherie Gil, yung parang leading lady na bida-kontrabida.
“I think ganyan din nag-umpisa sina Beauty.”
Nakatrabaho naman ni Gabby si Beauty Gonzales sa ‘Stolen Life’ ng GMA noong 2023.
Pagpapatuloy pa niya, “Actually yung role na ganyan, hindi ka mawawalan ng ganyang role, you can be a chameleon.
“So masarap silang katrabaho, bottom line, nakikita ko yung dedication nila and thank you GMA for putting all of us together.”
Napapanood na ang ‘My Father’s Wife’, towing 2:30 pm sa GMA Afternoon Prime.
***

FIRST ever winner ng ‘Campus Cutie’ ng Sparkle GMA Artist Center si Mad Ramos.

At dahil isang muslim si Mad, inamin naman niya na may mga bagay na hindi siya maaaring gawin bilang artitsa.

Aniya, “Meron, at isa sa example, yung nakahubad ako.” 

Hindi siya maaaring maghubad sa harap ng kamera, sando ang pinaka-seksi na puwede niyang isuot.

Bawal rin sa kanya ang magkaroon ng kissing scenes sa pelikula o telebisyon.

Sa tanong kung sino sa mga Kapuso artists ang pangarap niyang makasama sa isang proyekto…

“Siyempre yung mga idols ko, mga big time na sina Ms. Marian Rivera, Dingdong Dantes, and also si Kuya Ruru Madrid.

“Siguro si Ms. Bea Alonzo. Kasi, ever since I was a kid, pinapanood ko na siya, e.

“Pero kung puwede pa, di ba, it’s not too late.

“Si Charlie Flemming. I like her personality. Yung attitude niya, napapanood ko siya sa PBB. I like her.”

At dahil siya nga ang first ever Campus Cutie, noong i-announce na siya ang nanalo, ano ang totoong naramdaman niya?

“I’m very proud of myself.

“Hindi ko nga in-expect. Honestly, right now, I’m very happy talaga and very thankful sa opportunity. Yun talaga ang nararamdaman ko. 

“And I feel blessed. I feel so blessed.”

Kahit maging abala na siya sa showbiz ay ipagpapatuloy niya ang kanyang edukasyon.

“Hindi ko pa rin pababayaan ang pag-aaral.”

Grade 12 si Mad (o Ahmad Ramos) sa University of Sto. Tomas. 

Magga-graduate na, pero I plan to transfer sa Lyceum kasi number one siya sa Custom Administration.

I love sports. Varsity po ako ng volleyball. Na-recruit po ako doon kaya po nakapag-aral din ako sa U.S.T.”

(ROMMEL L. GONZALES)