Multi-Specialty Hospital, itatayo sa Clark, Pampanga
- Published on July 7, 2023
- by @peoplesbalita
SISIMULAN na ngayong buwan ang pagtatayo ng bagong medical specialty center na magsisilbi sa Central at Northern Luzon.
Inanunsyo ni Health Secretary Teodoro Herbosa na handa na ang groundbreaking para sa itatayong Clark Multi-Specialty Hospital sa darating na Hulyo 17.
Ang nasabing ospital ay itatayo sa ilalim ng Executive Order No. 19, ipinalabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inatasan ang pagtatayo ng Philippine Heart Center sa Clark Freeport Zone.
“It will be starting as a general hospital and then (it will) move up to a children’s hospital, and then a cardiac specialty, then the kidney specialty,” ani Herbosa.
Ang nasabi aniyang proyekto ay may kahalintulad na plano gaya ng public specialty hospitals sa Quezon City.
Sa oras na makumpleto na ang proyekto, ang mga pasyente sa Central at Northern Luzon ay hindi na kailangan pang bumiyahe patungong Kalakhang Maynila para makakuha lamang ng “specialized medical services.”
“It will just be like what we have in the North Triangle of Quezon City, wherein you have all the different specialties, and (this time) it will be in that corridor in Clark. That will cover Central and Northern Luzon cases of heart, lung, kidney, and even cancer,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, matagal ng panahon ani Herbosa ang pagsisikap ng Department of Health (DoH) na i-replicate ang specialty hospitals sa ibang lugar sa bansa, simula nang ipasa ang Sin Tax Law na nakatulong para pondohan ang programa sa healthcare sector.
Tinukoy naman nito ang Northern Mindanao Medical Center (NMMC) Heart, Lung, and Kidney Center, at Davao City’s Southern Philippines Medical Center na mayroon ding specialty services.
“Many of these places that have been built through the sin tax money have now eye centers, dermatology centers, cancer centers but it’s not getting the news. But the services are now available to people outside Metro Manila,” ayon kay Herbosa.
Ang proyekto aniya pa rin ay isasagawa sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP).
“We’re harnessing the private sector. I’d like to commend the private sector—they’ve been helping us a lot, reaching out, (saying) that they’re willing to help. The government alone can’t do it. The private sector also has a role in improving our health services and specialty services,” ani Herbosa. (Daris Jose)
-
Ads April 21, 2022
-
All-Stars babalik sa 2024 NBA season
ILANG All-Stars at key players ang inaasahang magbabalik sa aksyon para sa 2023-24 NBA season na magbubukas sa Oktubre 22. Kabilang dito sina Kristaps Porzingis ng NBA champions Boston Celtics, Kawhi Leonard ng Los Angeles Clippers at Jimmy Butler ng Miami Heat. Posibleng ilang buwan pa ang bibilangin bago muling makapaglaro ang 7-foot-2 […]
-
ALESSANDRA, nagwagi na rin ng Best Actress sa ‘Gawad Urian’ after ng ilang beses na na-nominate
CONGRATULATIONS sa lahat ng winners ng Gawad Urian. Top acting winners sina Alessandra de Rossi (Best Actress) for Watch List (na finally ay nagwagi na rin after na ilang beses na siyang na-nominate na naturang category), Nanding Josef (Best Actor) for Lahi, Hayop, Hazel Orencio for Lahi, Hayop and Dexter Doria for Memories […]