Myanmar, mahirap at mabigat na problema para sa Asean-PBBM
- Published on November 21, 2023
- by @peoplesbalita
ITINUTURING ng Southeast Asian bloc ASEAN na ang labanan sa military-ruled Myanmar ang pinakamabigat at mahirap na isyu para tugunan.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcs Jr., na may maliit na progreso tungo sa resolusyon at tumitinding labanan.
Sa pagsasalita ng Pangulo sa isang forum sa Hawaii streamed live sa Pilipinas, winika nito na mayroong commitment mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), subalit ang usapin ay kumplikado kabilang na ang humanitarian impact.
Sinabi ng United Nations na mahigit sa milyong katao ang na-displaved mula nang ilunsad ng military ang kudeta sa Myanmar noong 2021.
“There is a great deal of impetus for ASEAN to solve this problem. But it is a very, very difficult problem, ayon sa Chief Executive.
Samantala, ang PIlipinas naman ang uupong chairman ng ASEAN sa 2026 matapos palitan nito ang Myanmar para sa nasabing taon. (Daris Jose)
-
Lalaki pinagbabaril sa Malabon, dedbol
TODAS ang 40-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek sa Malabon City, kamakalawa ng madaling araw. Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Ruel”, residente ng C, Perez St. Brgy. Tonsuya sanhi ng isang tama ng bala sa ulo habang mabilis namang tumakas ang mga suspek patungong Sanciangco St. sa […]
-
PAGTANGGAP NG RED HAT NI CARDINAL ADVINCULA, IPINAGPALIBAN
NAIPAGPALIBAN sa susunod na buwan ang pagtanggap ng biretta ni Archdiocese of Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula na ipinagpaliban ang pagtanggap nito ng biretta sa susunod na buwan. Sinabi ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas na itinakda na sa Hunyo 8, 2021 ang ‘bestowal of red hat’ matapos na sumailalim sa 14-day mandatory […]
-
DOH: ‘NCR Plus’ handa nang bumalik sa estado ng GCQ
Naniniwala ang Department of Health (DOH) na handa na ang mga lugar na sakop ng National Capital Region (NCR) Plus na bumalik sa estado ng general community quarantine (GCQ). Kasunod ito ng anunsyo ng Malacanang nitong Huwebes ng gabi na isasailalim na sa “GCQ with heightened restriction” ang NCR, Cavite, Laguna, Rizal, at […]