• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Na-bash dahil nakunang kumakanta sa harap ng altar: JULIE ANNE, personal nang nag-sorry at nangakong hindi na mauulit

AGAD na nag-viral ang video ni Julie Anne San Jose habang kinakanta ang “Dancing Queen” ng ABBA sa harapan ng altar ng isang simbahan.

 

 

Nangyari ito noong October 6, kung saan isa siya sa mga nag-perform para sa “benefit concert” na ginanap sa Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro.

 

 

Inulan nga ito ng magkakaibang reaksyon mula sa netizens, na karamihan ay hindi ito nagustuhan. Kaya bonggang-bongga na na-bash ang Limitless Star ng GMA.

 

 

Kaya naman personal nang humingi ng sorry si Julie Anne sa kamyang social media accounts pagkatapos mag-issue ng official statement ang GMA Sparkle management, tungkol sa kinasangkutang kontrobersya.

 

 

“I am offering my apologies,” panimula ng girlfriend ni Rayver Cruz.

 

 

“Even though my only intentions were to share joy and to give support to the church through the benefit concert, many have felt offended about the incident I was in and with my performance which caused distress.”

 

 

Dagdag pa niya, “I truly, sincerely apologize. This is a lesson learned and it is assured that it will not be repeated. I am not perfect but please know that I have strong beliefs and

“I pray that we can all move forward with compassion in our hearts.

 

 

“Thank you.”

 

 

Narito naman ang official statement ng Sparkle sa naturang issue.

 

 

“Sparkle would like to officially address the current issue regarding Julie Anne San Jose’s performance at the Nuestra Señora Del Pilar Parish.

 

 

“Sparkle GMA Artist Center takes full responsibility for Julie Anne’s attendance at this event.

 

 

“It is our job to coordinate and clear details with the organizers and relay the instructions to our artist.

 

 

“Julie Anne only fulfilled her duties and commitment as a true professional.

 

 

“She is a devout Catholic and had no intention of disrespecting the Church or its members.

 

 

“We are truly sorry to those we have offended. We hope that this puts the issue to rest.

 

 

“We apologize to Julie Anne as well.

 

 

“Moving forward, we will be more vigilant in our coordination efforts to ensure such incidents do not happen again.”

 

 

Isang malaking leksyon nga ito sa performers at artists, na maging maingat sa venue sa kanilang pinagtatanghalan.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Suplay ng bilihin sa NCR-Plus sapat pa – DTI

    Walang dapat na ikabahala ang mga naninirahan sa National Capital Region (NCR) Plus dahil mayroong sapat na suplay sa mga pangunahing bilihin.     Ito ay matapos na ipatupad ang isang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at karatig na probinsiya.     Walang dapat na ikabahala ang mga naninirahan sa National Capital […]

  • Bakunang Sinovac: hindi puwedeng ipagamit ang second dose ng mga nabigyan ng first dose para sa mga nag-aapurang mabakunahan – PDu30

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga taong nagmamadaling mabakunahan kontra Covid -19 na hindi maaaring galawin o ipagamit ang second dose na nakalaan sa mga taong nabigyan na ng first dose ng bakuna na Sinovac.   Ginamit ng Pangulo ang paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III na ang interval ng first at […]

  • 180 na puganteng dayuhan, naaresto ng BI noong 2024

    MAY kabuuan na 180 na puganteng dayuhan ang naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI)  dahil sa iba’t-ibang krimen sa kanilang bansa.   Sa ulat kay Immigration Commissioner Joel Viado,  sinabi ng  BI fugitive search unit (FSU) na ang mga puganteng dayuhan ay inaresto ng mga operaatiba sa iba’t-ibang lugar na kanilang pinagtataguan.   […]