• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naabot ang target na P500-M ng MMFF 2022: ‘Deleter’ ni NADINE, top-grosser at patuloy pang umaarangkada

UMABOT sa P500 milyon ang kabuuang ticket sales ng Metro Manila Film Festival 2022, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Atty. Romando Artes noong Lunes.

 

 

“We are delighted to announce that we were able to reach our target gross sales amounting to P500 million considering that we are still recovering from the impacts of the COVID-19 pandemic. Indeed, the 2022 MMFF is a certified box-office hit,” pahayag ni Artes.

 

 

“Ikinagagalak naming ipahayag na naabot namin ang aming target na gross sales na nagkakahalaga ng P500 milyon kung isasaalang-alang namin na bumabawi pa kami mula sa mga epekto ng pandemya ng COVID-19. Sa katunayan, ang 2022 MMFF ay isang sertipikadong box-office hit,” dagdag pa niya.

 

 

Sinabi ni Artes na ang Top 4 na pelikula sa walang partikular na pagkakasunod-sunod ay: “Deleter,” “Family Matters,” “Labyu with an Accent,” at “Partners in Crime.”

 

 

“Rest assured that the MMFF will exert all efforts by encouraging our stakeholders, especially the local entertainment industry, to create quality films. I urge each and every one of you to patronize Filipino films,” sabi pa ni Artes.

 

 

Lahat ng 8 pelikulang ipinalabas sa mga sinehan sa buong bansa ay mapapanood pa hanggang Enero 13.

 

 

Noong Disyembre 27, 2022, na ginanap sa New Frontier Theater sa Quezon City, ang 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) ay namigay ng mga parangal sa mga bituin at talento na kasali sa walong filmfest entry ngayong taon, kung saan ang psychological horror na “Deleter” ng Viva Films ang nag-uwi ng pinakamaraming tropeo, kabilang ang Best Picture.

 

 

Kabilang sa 7 tropeo na naiuwi ng “Deleter” ay ang Best Director para kay Mikhail Red, Best Actress para kay Nadine Lustre, pati na rin ang Best Cinematography para kay Ian Guevarra.  At walang duda ito pa rin ang top-grosser ng 2022 MMFF bagamat di pa nilalabas kung ilang milyon na at siguradong madadagdagan pa.

 

 

Kaya naman bilang selebrasyon, ngayong gabi ay may thanksgiving party ang Viva Films sa Rockwell, Makati.

 

 

Ang romance thriller na “Nanahimik Ang Gabi,” ay umani ng limang parangal sa kabuuan, kabilang ang 3rd Best Picture, Best Actor para kay Ian Veneracion, at Best Supporting Actor para kay Mon Confiado.

 

 

Nanalong 2nd Best Picture ang “Mamasapano: Now It Can Be Told,” na tumanggap ng tatlo pang parangal, kabilang ang Best Screenplay para kay Eric Ramos 

 

 

Samantala, sinabi ni Artes na ilulunsad ng MMDA ang Metro Manila Summer Film Festival sa Abril, katuwang ang Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).

 

 

Maglalabas sila deadline ng pagsusumite ng mga entri sa lalong madaling panahon upang magabayan ang mga interesadong producer at filmmaker ayon kay Artes.

 

 

Ang Parade of Stars para sa MMFF Summer Edition ay gaganapin sa Abril 1, habang ang Gabi ng Parangal ay magaganap sa Abril 11.

 

 

Tatakbo ang Metro Manila Summer Film Festival sa loob ng 11 araw, mula Abril 8 (Black Saturday) hanggang Abril 18, sa mga sinehan sa buong bansa.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads November 19, 2022

  • Phl Consulate General sa New York umapela ng pag-unawa sa mga botante kasunod ng delay sa delivery ng mga balota

    UMAPELA ng pag-unawa ang Philippine Consulate General sa New York sa mga Pilipinong botante doon kasunod delay sa shipment ng election paraphernalia mula sa Pilipinas.     Sinabi ni Consul General Elmer Cato na asahan ng mga Pilipinong botante sa New York at mga katabing lugar na matatanggap nila ang kanilang election packets sa mga […]

  • Tuloy ang imbestigasyon ng Senado sa ABS-CBN

    ITUTULOY pa rin ng Senado ang planong pag-imbestiga sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation sa kabila ng paghahain ng gag order motion ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema.   “A motion for a gag order is what it is. Just a motion. The Supreme Court will still have to decide on it under […]