• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naalarma dahil sa 3-year old na follower: KIRAY, tinigil na ang pag-post sa TikTok ng sexy dancing videos

TINIGIL na pala ni Kiray Celis ang pag-post ng mga TikTok videos kunsaan nagse-sexy dance siya.

 

 

Sey ni Kiray na gusto raw niyang maging responsableng tao at maging magandang role model sa mga kabataan ngayon, lalo na sa mga follower niya sa TikTok.

 

 

“Very careful kasi ako sa mga posts ko sa TikTok, sa mga dance ko sa TikTok. I was so scared, kasi one time may kuya-kuya na nagme-message na, ‘Alam mo ‘yung pamangkin ko super, lahat ng sayaw mo sa TikTok ginagaya niya.’ Sabi ko ‘How old po?’ ‘3 years old po.’

 

 

“Oh my gosh! Ganoon na kabata ‘yung mga gumagaya at nanonood sa akin sa TikTok, kaya hindi na ako nagse-sexy dance,” diin ni Kiray.

 

 

Kaya mga patawang sayaw na lang daw ang pino-post ni Kiray sa TikTok.

 

 

“Tinigil ko na po ang sexy dance. Kasi na-alarm ako na ‘Oh my gosh 3 years old.’ Ayoko ring mangyari na maging ganu’n ‘yung mga pamangkin ko. Kasi nakikita ko po sa mga pamangkin ko, kung ano ‘yung nakikita nila or napapanood nila, ginagaya nila.

 

 

“So ayoko na mangyari na magsisi rin ako sa huli na, isa rin ako sa mga gumawa nu’n eh. As much as possible, nilalayo ko po ang sarili ko sa ganoon. Kailangan kong maging responsible sa mga nanonood sa akin.”

 

 

***

 

 

AFTER six year, balik sa pakikipag-date ang Hollywood actress and TV host na si Drew Barrymore.

 

 

Ni-reveal niya ito sa ‘The Drew Barrymore Show’.

 

 

Pagkatapos nga raw na makipag-divorce si Drew sa kanyang mister na si Will Kopelman noong 2016, hindi na raw ito nakipag-date. Six years nga raw siyang walang sex!

 

 

Guest ni Drew si nang gawin niya ang announcement, pinayuhan siya ng Oscar winner tungkol sa pakikipag-date ulit.

 

 

“Maybe a hit-and-run is a better way to go for now, until you say to yourself, ‘Now I really want someone to just be part of this.’ Right now, that may not be what you’re looking for, which is probably why you’re doing fine.

 

 

“Now that I’ve said this to you, that’s all I’m gonna say. Who is the hit-and-run, people are gonna try and figure it out. You can’t. You can’t figure it out, because I made it a point to make sure that that was mine. I didn’t want to share it. I don’t want it to be part of other people’s humor stories about me. Hit-and-run,” payo ni Whoopi.

 

 

Sey naman ni Drew na hinanda niya ang sarili niya sa muling pakikipag-date: “I have had the honor and a pleasure to actually work on myself and learn what parenting is, again something I was not exactly clear on growing up and I’ve had many learning curves thrown my way.

 

 

“I am just in a completely different place in my life and maybe in the near future I will get into a relationship… but it simply hasn’t been my priority. So I’m not a person who needs sex and has to go out there and engage with people on that level. I am someone who is deeply committed to fostering how young girls, my daughters, and myself as a woman, are supposed to function in this world!”

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ex-Justice Sec. Vitaliano Aguirre bagong hepe ng NAPOLCOM

    Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre II bilang Commissioner ng National Police Commission (NAPOLCOM).   Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque nitong Lunes ng gabi.   “We confirm that President Rodrigo Toa Duterte has signed the appointment of Mr. Vitaliano “Vit” Aguirre II as Commissioner of the National […]

  • Kaya matutuloy na ang ‘Pagtatag’ concert: Problema ng SB19 sa dating management, naayos na

    SA wakas ay natapos na ang problema ng SB19 na may kinalaman sa kanilang dating management na ShowBT Philippines Corp.     Sa pamamagitan ng sariling ahensiya ng phenomenal boy group, ang 1Z Entertainment, ay inanunsiyo nila na nagkaroon na ng pagkakasundo nito lamang Disyembre 5.     Ayon sa kanilang Facebook post, ay nagkaroon […]

  • Grab, kinastigo ng LTFRB sa hearing sa surge fee

    KINASTIGO ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board ( LTFRB) ang My Taxi Philippines/ Grab dahil sa walang dalang kaukulang dokumento na nagpapatunay sa alegasyon  na sila  ay nagka-COVID kaya hindi nakarating sa nagdaang public hearing noong Disyembre.     Ang public hearing ay isinasagawa patungkol sa reklamong surge fee na sinisingil ng Grab sa […]