• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nabahiran ng lungkot at inis ang bakasyon sa Amerika: ANDREW E, na-hack ang IG account at nakatikim pa ng pamba-bash

NABAHIRAN ng lungkot at inis ang bakasyon ng King of Pinoy Rap na si Andrew E sa Amerika.
Na-hack kasi ang Instagram account at hindi na niya ito mabuksan.
Nag-email na siya sa admin ng IG pero habang isinusulat namin ito ay wala pang balita kung naibalik na ang kanyang IG account.
“Not Available” ang lumalabas kapag sinusubukan niyang buksan ang kanyang naturang social media account.
Kaya nanawagan si Andrew sa admin at sa hacker mismo na ibalik na nila ang account niya dahil marami siyang memories at photos na naka-upload doon.
Samantala, hindi lang hacker ang tumitira sa Hari ng Rap, pati ba naman ang pagbabakasyon ng kanilang buong pamilya sa US of A ay bina-bash na mga walang magawa sa buhay.
O, e ano naman kung mag-Amerika si Andrew kasama ang kanyang pamilya? Napakasipag ni Andrew magtrabaho at rumaket, at dahil malaking pangalan siya sa industriya ng musika, siguradong malaki ang talent fee niya sa bawat event na dinadaluhan niya, kaya afford na afford ni Andrew na ipasyal ang pamilya niya saan man niya naisin.
Deadma na lang sina Andrew sa mga mapanira kaya naman naging masaya ang kanilang engrandeng US vacation kasama ang mabait niyang misis na si Mylene Yap Espiritu at ang tatlo nilang anak sina Fordy, Ichiro at ang bunsong si Jassley.
Napanood namin sa Facebook post ni Ms. Mylene na talaga namang enjoy na enjoy sila sa pamamasyal sa Amerika kung saan wala silang sinasayang na oras sa dami nilang pinuntahang lugar, isa na rito ang Disneyland sa Anaheim sa Hollywood at marami pang magagandang tanawin na makikita mo sa bawat post niya sa FB.
Speaking of Andrew and Mylene, ang pamilya nina Mylene ang nagmamay-ari ng pabulosong The District Boracay na isang class at 5-star na boutique resort sa Station 2 ng mala-paraisong isla ng Boracay.
Si SB Datu, anak ni Madam Mila Yap na ina ni Mylene, ang nagmamay-ari at nagma-manage ng class at 5-star rated na The District Boutique Resort na matatagpuan sa prime beachfront ng Boracay, as in paglabas mo ng main entrance ay dagat na ang nasa harap mo.
Napakaganda, napakalinis, at affordable ang The District, bukod pa sa masasarap na mga putahe ng pagkain sa mga restaurant sa loob mismo. Bongga rin ang pagkakaroon nito ng sariling spa, gym, at dalawang swimming pool.
Plus factor pa ang mababait at efficient na front desk staff ng The District na sina Femia Baldovia, Roger Rabang, Liana Picar, Denjilla Sacapaño, Frances Fuentes at Timothy Tan.
 
 
(ROMMEL L. GONZALES)