Nabakante ni DSWD REX GATCHALIAN, ipag-uugnay ng liderato ng Kamara sa National Peoples Coalition (NPC)
- Published on February 4, 2023
- by @peoplesbalita
CARETAKER sa iiwang distrito ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, ipag-uugnay ng liderato ng Kamara sa National Peoples Coalition (NPC).
Sinabi ni Speaker Martin Romualdez na makikipag-ugnayan sila sa NPC para talakayin ang gagawing pagtatalaga ng caretaker sa congressional post na binakante ng bagong DSWD secretary.
Paliwanag ni Romualdez, kadalasan na kapag may nababakanteng posisyon sa Kongreso ay agad na nagtatalaga ng caretaker dito upang masiguro na magpapatuloy ang public service ng nabakanteng tanggapan ng isang mambabatas.
Si Gatchalian ang representante ng unang distrito ng Valenzuela City. Inaasahan namang magpapasa ng resolusyon ukol dito ang Kamara. (Ara Romero)
-
Isusulong ang pondo para sa edukasyon at paglikha ng trabaho: Mga artista at influencers ni LENI, todo-suporta kay BAM bilang senador
MULING nagsama-sama ang iba’t ibang artista at influencers na tumulong sa kampanya ni dating Vice President Leni Robredo bilang pangulo noong 2022. Ito ay para magpahayag ng kanilang suporta sa kampanya sa kandidatura ni dating Senador Bam Aquino bilang senador sa darating na halalan sa Mayo. Kabilang sa mga dumalo sina Jolina Magdangal, Mark Escueta […]
-
PBBM, bineto (veto) ang batas na nagdedeklara sa Pampanga bilang culinary capital ng Pinas
BINETO (veto) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang batas na naglalayong ideklara ang Pampanga bilang “Culinary Capital of the Philippines.” Sa isang liham sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na may petsang March 12, ipinaliwanag ni Pangulong Marcos na ang culinary contributions ng Pampanga ay malawak na kinikilala, at ang opisyal na pagkakatalaga rito bilang […]
-
MVP nag-donate ng vaccine para sa national athletes
Nagbigay ang MVP Sports Foundation (MVPSF) ni businessman at sports patron Manny V. Pangilinan ng 500 booster shots ng Moderna anti-COVID-19 vaccine para sa mga miyembro ng Team Philippines na sasalang sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo. Ito ay para sa proteksyon ng mga national athletes laban sa COVID-19 […]