• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NABAKUNAHAN SA COVID, WALANG NARAMDAMANG ADVERSE EFFECT

WALANG naramdamang anumang adverse effects  ang ilang mga opisyal ng gobyerno at mga doktor ng Philippine General Hospital (PGH) na nabakunahan ng Sinovac  vaccine kahapon ng umaga sa naturang ospital.

 

Ito ang pahayag nina PGH Dir. Dr. Gap Legaspi, Food and Drug Administration (FDA) Dir. Gen. Eric Domingo at MMDA Chairman Benhur Abalos, makaraang maturukan sila kanina ng bakuna laban sa corona virus disease o Covid-19.

 

Sinabi ng  tatlong opisyal sa press conference na wala silang naramdaman na systemic effect matapos ang unang dose ng bakuna.

 

Matapos silang mabakunahan ay isinailalim sila sa monitoring ng halos kalahating oras para malaman kung mayroon adversed effect.

 

Kasama rin sa minonitor ang ilang medical personnel na nabakunahan.

 

 

Ayon naman kay Domingo muli silang bibigyan ng ikalawang dose ng Sinovac vaccine matapos ang apat na linggo.

 

Pinawi rin nila ang pangamba ng ibang health care workers na nag-aalinlangan sa bakuna na huwag ng matakot dahil ligtas ang bakuna na una na rin inaprubahan ng FDA.

 

Ipinaliwanag naman ni Legaspi na nagkaroon ng miscommunication kaya ang iba sa kanilang mga tauhan ay nagda-dalawang isip.

 

Giniit naman ni Legapsi na hindi pilitan ang  pagpapabakuna at walang dapat problema kung nais ng iba nilang health workers na pumili ng bakuna na nais nila. Sa ngayon, tuluy-tuloy ang pagbibigay ng Sinovac vaccines sa mga health care worker ng PGH.

 

Si Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez ay nagpahuli naman  pagsalang para mabigyan ng bakuna. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Bong Go: Mga ospital, Malasakit Centers maghanda sa post-flooding surge

    NANAWAGAN si Senator Christopher “Bong” Go sa mga ospital at Malasakit Centers sa buong bansa na maghanda sa potensyal na pagdami ng mga pasyente dahil sa pagbaha sa iba’t ibang lugar.       Binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng paggamit ng Malasakit Centers para makapagbigay ng tulong medikal sa mga naapektuhan ng bagyo, dulot […]

  • Dito sila ng naglalagi ni Malia para magbakasyon: POKWANG, ipinasilip ang bonggang private resort sa Mariveles, Bataan

    TINOTOO pala ni Rita Avila ang pagsampal niya sa baguhang aktres na si Roxie Smith sa madramang eksena nila sa GMA teleserye na ‘Hearts On Ice’.   Kuwento ni Rita na gumaganap bilang istrikto at mapanakit na stage mother, pinaghandaan daw nila ni Roxie ang eksenang iyon. Kaya ready daw si Roxie sa mararamdaman niyang […]

  • Italya mapagkukunan ng mga basketbolista

    HINDI na lang pala Estados Unidos ang maaring maging balon ng talento ng Philippine basketball sa hinaharap na panahon.   Ilista na rin ang Italya.   May ilang Filipino-Italian ang masisilayan sa 83rd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2021.   Ilan sa kanila ay sina Gabriel Gomez, Roger delos Reyes at Andrei Abellera […]