• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nadadamay sa problema sa basura: ISKO, angat pa rin sa survey at posibleng makabalik sa Manila City Hall

ISA sa matunog na tatakbong kunsehala sa district one sa Tondo, Manila ay ang  social media personality, negosyante, at tumatakbo na si Rosemarie Tan Pamulaklakin o Rosmar.
Ilang days after filing her candidacy ay panay ang ikot ni Rosmar sa Tondo pero lately ay hindi na siya visible particularly sa district kung saan siya tatakbo.
Matandaang last election ay sa Sampaloc area tumakbo and Luz Valdez bilang kunsehala pa rin si  Rosmar.
Tatakbong independent si Rosmar na naging matunog ang pangalan months ago pero sana sa actual filing period sa March ay isa sa anim na papasok sa survey si Rosmar.
Mas pinagkaabalahan pa yata ni Rosmar ang pag-iikot sa Bulacan at sa iba pang lugar kaysa Tondo kung saan marami anc naghahanap sa kanya.
Pero ang latest dalawang buwang buntis ang negosyante.
At kailangan daw niya munang magpahinga kahit nasa maayos siyang kalagayan pati na ang baby sa kan/iyang sinapupunan.
Nag-spotting kasi si Rosmar kamakailan lang at itinakbo  sa emergency room ng ospital.
“Regarding sa post ko na nagpunta ako sa ER. Nagulat ako na nag-trending na naman. ‘Di lang siguro clear ang post ko kaya na-misinterprent na naman ng iba,” saad ni Rosmar sa post niya.
“Mismong ospital ang nagsabi na pwede lang magpa-ultrasound kung magpapa-ER ako,” dagdag pa niya.
Ayon pa rin kay Rosmar siya raw mismo ang nag-request na magpa-ultra sound
“kaya ako nag pa ultrasound nung araw na un dahil may ‘spotting’ ako at buntis ako. Kahit sino naman sigurong nanay o buntis kung may spotting dederetso agad ng ER at gusto makita kung safe ang baby sa tyan at kakabahan lalo na kung first trimester and that day ko lang din nakita na may baby na at may heartbeat na,” banggit pa rin niya.
Sa isa pang post ni Rosmar ay ipinakita niya ang resulta ng ultrasound sa kanya na nasa maayos na kondisyon ang anak nila ng asawang si Jerome Pamulaklakin.
“I Love You baby bunso. Buti nalang malakas si mommy at di para magpa apekto sa mga taong malulungkot ang buhay. Bubuo tayo ng masaya at kumpletong pamilya,” lahad pa rin ni Rosmar.
***
STILL on politics, matunog pa rin ang labanang Isko Moreno at Honey Lacuna.
Ang problema sa basura sa buong Maynila ang isyu ngayon sa dalawang mahigpit na magkakalaban.
Sa nakaa-angat sa mga surveys na si Yorme Moreno isinisi ni Mayora Honey ang naging problema ngayon na basura sa Maynila.
Pero ayon pa rin sa kampo ni Yorme bakit after two years nang nakaupo sa City Hall si Mayor Lacuna ay idinawit pa raw nito si Yorme sa problema sa basura.
Pero sa totoo lang, dahil sa basura, na sinasabing naging basurero ang isang Isko Moreno ang naging daan ng dating mayor sa showbiz at napasok sa mundo ng pulitika.
Hindi kaya dahil din sa problema sa basura ay maibalik muli ang Manila City Hall kay Yorme.
(JIMI C. ESCALA) 
Other News
  • Devin Booker, out na sa training camp ng Phoenix Suns dahil sa ‘health at safety protocols’ ng NBA

    Kinumpirma ng reigning Western Conference champion Phoenix Suns na ang kanilang top player na si Devin Booker ay hindi muna makakasama ngayong linggo sa pagsisimula sa training camp dahil sa health at safety protocols ng NBA.     Kung maalala ang 24-anyos na si Booker ay naging malaki ang papel upang pangunahan ang Suns sa […]

  • ‘Pumili ba ang Letran sa kanyang kalaban’ sa Final Four ng NCAA? Sagot ni Bonnie Tan

    Sinadya bang matalo ang Letran sa final elimination game nito sa Jose Rizal University para makakuha ng mas paborableng draw sa NCAA Season 98 Final Four?   Tila ito sa marami dahil ang 87-71 pagkatalo ng Knights sa Heavy Bombers noong Miyerkules ay nag-relegate sa kanila sa No. 2 spot at isang sagupaan laban sa […]

  • Pinoy athletes sisimulan na ang paghakot ng ginto

    INAASAHANG  madaragdagan pa ang unang gold medal ng Team Philippines sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa pagsalang ngayon sa finals ng anim na national kickboxers.     Sisimulan din ng mga Pinoy athletes ang kanilang mga kampanya sa 15 pang sports events para sa pormal na pagbubukas ng mga kompetisyon matapos ang […]