NADINE, hinahanapan na ng magandang projects na ipi-present ng Viva; open din na magpartner sila ni JAMES
- Published on August 21, 2021
- by @peoplesbalita
NAG-UUSAPAN na uli si Nadine Lustre at ang Viva Entertainment.
Ito ang ipinahayag ni Vincent del Rosario sa presscon ng Vivamax, ang streaming platform ng Viva which marked its sixth month.
Ayon pa kay Vincent, nakatakda raw silang makipag-usap kay Nadine para mag-present ng projects sa dalaga.
Si Boss Vic del Rosario raw mismo ang nagsabi sa kanila na maghanap ng projects na pwedeng i-present sa ex-girlfriend ni James Reid.
Maraming beses na raw sinabi ni Boss Vic sa kanila na open ang Viva na muling makatrabaho si Nadine dahil may live contract naman ito sa kompanya.
“Nagsimula na kaming maghanap ng right material for Nadine. Gusto namin na mabigyan siya ng project na bagay sa kanya. Hopefully, within the year ay may mai-present na kaming project for her na magugustuhan niya,” pahayag pa ni Vincent.
Ayon pa kay Vincent, nakakapag-usap naman daw sina Nadine at Boss Vic kasi may active contract naman ang aktres sa kanila.
“Nadine is like family to us. The opportunity to work with her again is exciting. She will bring new flavor sa possible new partnerships na pwede namin magawa for her,” dagdag pa ni Vincent.
Bukas din naman ang pintuan ng Viva na muling makatrabaho si James bilang kapartner ni Nadine or as a solo artist bagamat walang active contract sa kanila ang binata.
Naghahanda na rin ang Viva sa paggawa ng pelikula sa kanila nina Sarah Geronimo at Anne Curtis next year.
Nag-agree na si Anne sa movie na gagawin niya to be directed by Erik Matti.
Posible rin na gumaw muli ng virtual concert si Sarah before the year ends. Successful kasi ang Tala concert niya at malakas ang clamor ng fans na siya ay mapanood muli sa isang live concert kahit na virtual lang.
***
INABOT ng pandemic ang Pedro Penduko project na pagbibidahan ni Matteo Guidicelli kaya hindi muna itinuloy ang filming nito.
Pero bago ang pandemya ay sumabak na sa training ni Matteo bilang paghahanda sa role niya sa pelikula na dapat sana ay launching film ni James Reid.
Pero dahil nagkaroon ng injury si James kaya kinailangan niyang mag-backout sa movie at si Matteo ang napisil ng Viva to play Pedro Penduko instead.
Maraming cast na involved at maraming malalaking eksena ang pelikula kaya hindi pwede mag-shoot ang Pedro Penduko sa panahon ng quarantine kahit pa sumunod pa sila sa protocol.
Siyempre limitado lang ang pwedeng mag-shoot under a bubble set-up kaya minabuti ng Viva to put the project on hold.
Since malaki ang production requirement ng Pedro Penduko, mahirap itong i-mount during the pandemic. Nangangailangan ito ng maraming artista at extras, na hindi pinahihintulutan sa bubble set up.
Bilang proteksyon sa kanilang mga artista, Viva makes sure na sumusunod sila sa safety protocols. Maingat sila at patuloy na nag-iingat.
Kung may mga kaso na may mga tao sa production na nagkasakit, agad naman natulungan ang mga ito at hindi naantala ang production.
(RICKY CALDERON)
-
Bukod sa regalo nila na ‘Mission To Venus’ watch: Pagkanta nina ZIA at SIXTO, ‘the best gift’ para kay MARIAN
“MY everything,” ang sabi ni Kapuso Primetime Queen tuwing ipu-post niya sa social media accounts ang family, husband Kapuso Primetime King Dingdong Dantes and their two children na sina Zia at Sixto. Labis ang kasiyahan niya na after three years ay muli siyang nakapag-celebrate ng birthday, dahil during the pandemic, tahimik lamang siyang […]
-
NURSING STUDENT UTAS SA SUNOG SA MALABON
ISANG 20-anyos na babaing nursing student ang nasawi matapos umanong ma-trap sa nasusunog nilang tirahan sa Malabon City, Miyerkules ng umaga. Natutulog umano ang biktimang si alyas “Nyanza”, working student ng Our Lady of Fatima University sa ikalawang palapag ng kanilang tirahan sa A. Bonifacio St., Brgy. Tugatog nang sumiklab ang sunog dakong […]
-
PH Embassy, hindi sigurado kung umalis na ng Estados Unidos ang mga undocumented Pinoy bago pa ang mass deportation
HINDI sigurado at hindi pa madetermina ng Philippine Embassy sa Washington kung may mga undocumented Filipino ang umalis na ng Estados Unidos bago pa ang inaasahang mass deportation sa ilalim ng Trump administration. “We are not sure whether many of those that are undocumented na ating mga kababayan have left,” ayon kay Philippine Ambassador […]