• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nadisgrasya ng paputok pumalo sa 75 bago Bagong Taon 2024 — DOH

NADAGDAGAN ng 23 ang kaso ng fireworks-related injuries sa bansa ilang araw bago magtapos ang taong 2023, ayon sa pinakahuling taya ng Department of Health (DOH).

 

 

Sa 23 na bagong kaso, sinasabing edad 6-anyos hanggang 55 taong gulang ang mga nadisgrasya. Narito ang itsura ng mga biktima:

lalaki: 20

babae: 3

naputukan sa bahay o kalapit na kalye: 23

aktibong sangkot: 13

gumamit ng iligal na paputok:  14

 

 

“Kasama sa mga bagong kaso ang dalawang (2) bagong amputation, na parehong kinasasangkutan ng ilegal na Pla-pla na sinindihan ng mga lalaking teenager na naputulan ng mga daliri,” wika ng Kagawaran ng Kalusugan.

 

 

“Isang (1) amputation case kahapon ang maling naiulat; kaya ang kabuuang bilang ng mga amputation ngayong season ay anim na (6).”

 

 

Nasa 75 na ang nabibiktima sa ngayon. Anim sa bawat sampung kaso ay nanggaling sa mga sumusunod na erya:

National Capital Region: 40%

Central Luzon: 12%

Ilocos Region: 8%

 

 

“Siyamnapu’t anim na porsyento (96%) ang nangyari sa bahay at sa mga lansangan, karamihan ay mga lalaking may aktibong pakikilahok,” dagdag pa ng DOH.

 

 

“Ang mga iligal na paputok ang dapat sisihin sa humigit-kumulang anim sa bawat sampung kaso.”

 

 

Una nang ibinahagi ng Philippine National Police (PNP) ang updated na listahan ng mga iligal na paputok at pyrotechnic devices, bagay na kadalasang napakasensitibo.

 

 

Ngayong buwan lang nang maglabas ang Department of Trade and Industry ng mga certified fireworks upang magabayan ang mga consumer ngayong New Year.

 

 

Matagal nang hinihikayat ng DOH ang publikong umiwas ang lahat sa paggamit ng paputok, at sa halip gumamit na lang ng mas ligtas na paingay.

Other News
  • Mga atletang sasabak sa SEA Games pinayagan nang magsagawa ng bubble training

    Pinayagan na ng gobyerno ang pagsasagawa ng bubble training ng mga national athletes na sasabak sa Southeeast Asian Games (SEA Games).     Sa inilabas na joint administrative order ng Philippine Sports Commission, Department of Health at Games and Amusement Board, mayroong istriktong pagbabantay ang gobyerno sa mga magsasagawa ng training bubble.     Nataon […]

  • Nakikiusap na huwag agad siyang husgahan: PERNILLA, inulan ng pamba-bash matapos ma-link sa hiwalayang ANDI at PHILMAR

    USAP-USAPAN ngayon sa social media ang foreigner na si Pernilla Sjoö matapos siyang ma-link sa kilalang surfer na si Philmar Alipayo, fiancé ng dating aktres na si Andi Eigenmann. Hinala ng netizens, si Pernilla ang pinatatamaan ni Andi sa kanyang Instagram Stories tungkol sa isang taong nagtraydor sa kanya. Kaugnay umano ito sa lumabas ang larawan […]

  • 60 milyong mga Filipino voters maglalabasan

    ISANG malaking hamon sa gobyerno ang paparating na May 9, 2022 national elections dahil dito ay siguradong maglalabasan ang may 60 milyong mga Filipino voters at pupunta sa kani- kanilang voting precints.     Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules, sinabi ni DILG secretary Eduardo Ano na ngayon […]