Nag-amok na adik, utas sa umawat na pulis
- Published on March 7, 2020
- by @peoplesbalita
DEDBOL ang sinasabing drug adik matapos barilin ng rumespondeng pulis na inundayan niya ng saksak nang tangkain siyang awatin habang nagwawala kahapon (Biyernes, Marso 6) ng umaga sa Malabon City.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, alas-7:40 ng umaga nang magsimulang mag-amok at sugurin ng saksak ng suspek na si Alvin Calpo, 24, ng Brgy. Tañong ang bawat makita niya sa kahabaan ng P. Aquino Avenue, harap ng Kadima, Brgy. Tonsuya na naging dahilan upang humingi ng tulong sa Malabon Police Community Precinct (PCP) 8 ang mga residente sa lugar.
Kaagad pinadala ni PCP-8 commander P/Capt. Carlos Cosme, Jr., sa naturang lugar si P/SSgt. Meduard Reloj, P/SSgt. Darryl Misa at P/ Cpl. Sergio Consulta III kung saan naabutan si Calpo na armado ng patalim habang hinahabol si Manuel Bersales, 49, ng Paradise Village, Letre, Tonsuya na dumaan sa lugar.
Matapos magpakilala ni Sgt. Misa bilang pulis, tinangka nitong awatin ang suspek subalit sinugod siya ng saksak ni Calpo na nagawang maiwasan ng parak.
Patuloy na sinugod ng saksak ng suspek ang pulis hanggang sa matumba ito dahil sa kakaiwas at dahil sa panganib sa kanyang buhay ay binunot ni Sgt. Misa ang kanyang baril at pinutukan si Calpo sa kanang hita bago muling binaril sa katawan dahil sa patuloy na pag-atake sa kanya ng suspek.
Sinabi ni Malabon police homicide investigator P/Cpl. Jose Romeo Germinal, si Calpo ay kalalaya lamang kamakailan sa Navotas Jail dahil sa kasong theft.
Sinabi pa ni Germinal na kinasuhan din ang suspek ng attempted homicide subalit, nadismis.
Inamin naman sa pulisya ng mga kapatid ni Calpo na mula ng malulong ito sa iligal na droga, nagsimula na siyang masangkot sa iligal na aktibidad. (Richard Mesa)
-
Ads November 9, 2022
-
“GRAN TURISMO: BASED ON A TRUE STORY” TO HOLD SNEAK PREVIEWS AUGUST 21 & 22
AN underdog sports story based on the life of a real gamer-turned-racecar driver, Gran Turismo: Based on a True Story will have sneak preview screenings at regular run admission prices in cinemas nationwide on Monday August 21, and Tuesday August 22. Be among the first to catch the film – watch it a week before it begins […]
-
DSWD-4A ‘di nagkulang sa ayuda sa Noveleta – Tulfo
WALANG pagkukulang ang mga opisyal at tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 4A sa Noveleta, Cavite noong nakaraang linggo, ayon sa resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng DSWD Central Office kamakailan. Kasabay nito, pinababalik na sa puwesto ni Sec. Erwin Tulfo sina DSWD Region 4A Director Barry Chua at […]