Nag-Balesin dahil free si Gov. Chiz: HEART, nagpa-wow na naman sa mga suot na two-piece swimsuit habang nagpapa-araw
- Published on April 16, 2022
- by @peoplesbalita
NAG-POST si Kapuso actress at style icon Heart Evangelista sa kanyang Instagram habang nagpapa–araw sa Balesin Island.
Napa-wow na naman ang netizens sa suot long-sleeved bikini top matched with a bikini bottom at caption ni Heart, “She needed that vitamin sea.”
Sumunod na IG post naman ni Heart ay ang two-piece zebra print swimsuit na kung sa lalong lumabas ang kanyang kaseksihan.
Nagpunta si Heart and her team sa Balesin for a quick getaway, since wala munang campaign ang husband niyang si Sorsogon Governor Chiz Escudero na kandidato naman ngayong bilang Senador.
Matatandaan na special place for Heart and Gov. Chiz ang Balesin dahil dito sila ikinasal seven years ago. Doon din sila nag-celebrate ng kanilang seventh wedding anniversary last February.
***
IPINAKILALA na ng GMA Network ang star-studded cast ng Philippine adaptation ng Start-Up, ang top-rating Korean drama of the same title, na tiyak na mamahalin din ng mga Kapuso viewers, gabi-gabi.
The series will star Kapuso prime stars, Bea Alonzo and Alden Richards.
Si Bea ay si Danica ‘Dani’ Sison, sweet at maalaga sa kanyang lola, na tanging kasama niya sa buhay, kaya naging palaban si Dani sa kahit anong pagdaanan niyang pagsubok.
Si Alden ay si Tristan “Good Boy” Hernandez, matalino at madiskarte, kahit mag-isa na lamang siya sa buhay, pero tinutulungan siya ng isang matandang babae, si Lola Joy.
Si Yasmien Kurdi bilang Katrina “Ina” Diaz, nakatatandang kapatid ni Dani, strong at ambitious, pero ‘di tulad ni Dani, she is cold and independent at si Jeric Gonzales bilang Davidson “Dave” Navarro, matalino pero hindi sapat ang kaalamang magpatakbo ng negosyo.
Si Ms. Gina Alajar naman ay si Lola Ligaya, “Joy Sison,” selfless at mapagmahal na lola nina Danica at Katrina, may-ari ng “Banana Sa-Wrap” na makakabili ka ng iba’t ibang klaseng turon.
Si Boy 2 Quizon bilang si Wilson Espiritu, mabait, matalino at funny, kaibigan ni Dave at si Royce Cabrera ay si Jeff Katipunan at best friend nina Dave at Jeff, mas seryoso kaysa kay Wilson. College friends silang tatlo na may-ari ng Three Sons Tech.
Kasama rin si Kim Domingo bilang Stephanie Rios, matalino, mayaman at sosyal na lawyer at designer.
Nagsimula nang mag-taping ang Start-Up sa direksyon nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata, at may tentative airing na sila ng July, 2022.
(NORA V. CALDERON)
-
Magpo-focus na lang sa singing career: JOJO, nasaktan sa pang-iiwan ni MARK kaya nag-goodbye na
SA ipinatawag na emergency presscon ng talent management ni Jojo Mendrez na Aqueous Entertainment, inamin ng Revival King na labis-labis siyang nasaktan at na-offend nang bigla na lang umalis at hindi man lang nagpaalam sa kanya si Mark Herras. Naganap nga ito sa 38th Star Awards for TV kung saan silang dalawa ang magkasamang magpe-present ng special […]
-
La Melo Ball hindi makakapaglaro ng 2 linggo dahil sa injury
HINDI makakapaglaro ng hanggang dalawang linggo si Charlotte Hornets point guard at NBA star LaMelo Ball. Ayon sa Hornets na nagtamo itong strained left calf injury. Natamo nito ang injury sa pagkatalo ng koponan laban sa Miami Heat. Dagdag pa ng koponan na sasailalim pa siya sa re-evaluation sa […]
-
May appreciation post sa kanyang mom and dad: GABBI, sinamantala na makapagbakasyon sa Amerika kasama si KHALIL
NAG-ANNOUNCE na si Kapuso Primetime King and host of the number one game show ng GMA-7, ang “Family Feud” sa kanilang mga avid viewers na pwede na silang makapanood ng hulaan LIVE sa Family Feud Philippines stage. Mag-register sa gmanetwork.com/FamilyFeudAudience para makasama bilang Studio Audience ngayong Saturday, September 3, 2022. Registration is open until 7:00PM […]