Nag-expire na vaccines papalitan ng COVAX facility – DOH
- Published on August 11, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Department of Health (DOH) na papalitan ng COVAX facility ang mga COVID-19 vaccines na nag-expire na.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na kabilang sa papalitan ng COVAX ay ang mga bakunang nabili ng mga pribadong sektor.
Dagdag pa nito na mayroong kasunduan noon pa ang COVAX facility at ang DOH na kanilang papalitan ang mga na-expire na mga bakuna.
Magugunitang aabot sa P5.1 bilyon ang halaga ng bakuna na binili ng mga private sector ang nag-expire na.
Maari lamang itong maisakatuparan sakaling magkaroon na ng sapat ng suplay ng bakuna.
Ang COVAX ay isang global initiative para sa pantay na distribusyon ng bakuna na pinangungunahan ng World Health Organization (WHO), Coalition for Epidemic Preparedness Innovations (CEPI), at vaccine alliance na GAVI. (Daris Jose)
-
CARMINA at ZOREN, pinag-iingat ang anak na si Cassy pagdating sa lovelife
PAGDATING sa usapang lovelife, pinag-iingat nila Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ang kanilang dalagang si Cassy Legaspi. Nasa edad na raw si Cassy para tumanggap ng mga manliligaw, pero lagi raw iniisip nito ang advise ng kanyang parents na huwag magmadali pagdating sa love. Huwag daw siyang agad ma-fall sa manliligaw niya. […]
-
Labis ang pasasalamat sa daughter-in-law: SYLVIA, taga-picture at taga-video ng happy moments nina ARJO at MAINE
MINSAN pa ay nag-express ng labis na pasasalamat si Sylvia Sanchez sa kanyang daugther-in-law na si Maine Mendoza, asawa ng kanyang anak na si Cong. Arjo Atayde, dahil sa simula pa lang ay magkasundo na sila. Sa IG account ng premyadong aktres, pinost ang photos at videos na kuha sa kanilang recent trip sa […]
-
OPS, tiniyak ang patuloy na serbisyo gamit ang aprubadong 2023 budget
NAGPAHAYAG nang pasasalamat ang Office of the Press Secretary (OPS) sa Senado sa pag-apruba sa panukalang P1.04 billion budget para sa taong 2023. Sa Facebook post, pinasalamatan ng OPS ang Kongreso para sa pagsisikap nito na tiyakin ang maayos at mabilis na pagkakapasa ng panukalang 2023 national budget upang makayanan ng administrasyong Marcos […]