• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-negatibo na sa RT-PCR test para sa Covid-19

IBINALITA ni Presidential Spokesman Harry Roque na nag-negatibo na siya sa Reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR)  test at nakompleto na niya ang kanyang 2-week quarantine para sa COVID-19 matapos na mahawaan.

 

Matatandaang, nito lamang Marso 15 ay inanunsyo ni Sec. Roque na nagpositibo siya sa COVID-19. Isa aniya siyang asymptomatic.

 

Sinabi ni Sec. Roque na nakatanggap siya ng certificate dahil nakumpelto niya ang kanyang 2-week quarantine.

 

“Nag-negative na po ako sa PCR result,” masayang ibinalita ni Sec.Roque.

 

Aniya, posible aniyang nahawaan siya ng novel coronavirus sa isa sa kanyang 15 beses na pagbisita sa ospital sa loob ng dalawang linggo.

 

Hindi naman nito dinetalye ang dahilan ng kanyang pagbisita sa ospital.

 

“Kung talagang hindi kinakailangan pumunta sa ospital, di na po ako tatapak sa ospital,” ang pahayag ni Sec.Roque, na hindi rin naman lingid sa kaalaman ng publiko na palaging bumi-byahe patungong lalawigan kahit na may pandemiya.

 

Samantala, ang apat pang Cabinet members na naka-recover sa covid 19 ay sina Education Secretary Leonor Briones, Public Works Secretary Mark Villar, Trade Secretary Ramon Lopez, at Interior Secretary Eduardo Año. (Daris Jose)

Other News
  • CHRISTIAN, mukhang mangangabog na naman sa awards nights ng ‘2021 MMFF’

    MUKHANG mangangabog si Christian Bables sa awards night ng 2021 Metro Manila Film Festival.     Maganda ang role ni Christian sa Big Night where he plays a beautician na gagawin ang lahat matanggal lang ang pangalan niya sa watchlist ng mga suspected drug addicts.     “Kahit na comedy ang pelikula ay seryosong topic […]

  • PBBM, ipinag-utos ang mahigpit na pagmo-monitor ng food stamp anti-hunger program

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Statistics Authority (PSA) na i- monitor ang progreso ng “Walang Gutom 2027: Food Provision sa pamamagitan ng Strategic Transfer and Alternative Measures Program (Food Stamp)”program.       Ito ay isa sa flagship program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naglalayong bawasan ang […]

  • SC: NCAP hearing sa Dec. 6 gagawin

    BINAGO ang petsa ng nakatakdang pagdinig ng petitions sa Supreme Court (SC) tungkol sa oral arguments ng legality ng no-contact apprehension policy (NCAP).   Matapos ang panawagan ng mga transport advocates tungkol sa petitions ng legality ng NCAP, ang petsa ng pagdinig ay ginawa na sa darating na Dec. 6 at hindi na sa Jan. […]