• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-open up sa kanilang body insecurities: ENRIQUE, inaming pasmado kaya pawisin ang mga palad

NAG-OPEN up ang mga bida ng pelikulang ‘I Am Not Big Bird’ na sina Enrique Gil, Nikko Natividad, Red Ollero at Pepe Herrera tungkol sa body insecurities.

 

 

 

Inamin ni Gil na pawisin ang kanyang mga palad.

 

 

 

“Pasmado po kasi ako, so sweaty hands. So alam niyo na kapag may ka-holding hands, oh my gosh, basa! Sorry pasensiya na, pasmado ako.”

 

 

 

Si Nikko naman ay problema ang pimples.

 

 

 

“Sa akin po tagyawat sa mukha. Minsan may season kasi na may tagyawat ka, tapos napagkakamalan ka ng tao hindi ka nagpapalit ng punda!”

 

 

 

Si Red naman ay ang kanyang pagiging mataba.

 

 

 

“Siyempre lahat naman tayo may body insecurities and body type and everything. Ako naman nakaka-cope. Pero siyemore every now and then titingnan mo ang sarili mo, ‘ang taba mo.’”

 

 

 

Si Pepe naman ay may kinalaman sa buhok sa ilong.

 

 

 

“Di ba minsan kapag gumaganyan ka, lumalabas ang buhok mo sa ilong. Ito naman insecurity ko growing up, pero ngayon I am starting to outgrow it lalo na nasa industriya tayo ng pagpapatawa.”

 

 

 

***

 

 

 

NAGLABAS ng pahayag ang GMA Network para bigyan ng babala ang publiko laban sa mga scammer na ginagamit ang upcoming Kapuso series na ‘Encantadia Chronicles Sang’gre’, at kunwaring may audition.

 

 

 

“GMA Entertainment Group is again warning the public against online scammers posting about fake auditions for “Encantadia Chronicles: Sang’gre. The perpetrators are wrongfully using the name of GMA Network to ask for money and/or solicit private photos and information. Victims of these fake auditions are encouraged to report to the authorities,” ayon sa pahayag.

 

 

 

Ayon sa GMA Entertainment Group, walang ongoing audition para sa naturang proyekto sa ngayon.

 

 

 

“All official announcements are posted on GMA’s official social media accounts.”

 

 

 

Sa direksyon ni Mark Reyes, ang Encantadia Chronicles: Sang’gre ay pagbibidahan nina Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda at Angel Guardian.

 

 

 

Kasama rin sina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Sanya Lopez, Rocco Nacino, at Solenn Heussaff.

 

 

 

***

 

 

 

PUMANAW na sa edad na 88 ang veteran broadcaster at dating anchor ng GMA Balita na si Mike Lacanilao.

 

 

 

Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng asawa ni Mike na si Anna Francisca Castañeda-Lacanilao, ayon sa ulat ng GMA News “24 Oras” nitong Lunes.

 

 

 

Naging co-anchor noon si Mike ng GMA Balita, na isa sa mga news and public affairs shows ng Kapuso network noong 1990s.

 

 

 

Siya rin ang presidente ng Febias College of Bible mula 1976 hanggang 1982.

 

 

 

Nagkaroon ng joint memorial service para kay Mike na ginawa sa Greenhills Christian Fellowship sa Ortigas noong Martes, Feb. 13.

 

 

 

Bubuksan naman sa publiko ang kaniyang burol sa Huwebes, sa Sucat, Parañaque bago siya ihatid sa huling hantungan.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Libre toll fee ng NLEX, SCTEX, CAVITEX, CALAX ngayong Pasko, New Year

    Hindi maniningil ng toll fees ang Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) sa mga motorista na dadaan sa ilang pangunahing expressways sa bansa, ngayong Pasko at Bagong Taon. Ayon sa MPTC, iiral ang toll free passage mula alas-10 ng gabi ng Dis­yembre 24 hanggang alas-6 ng umaga ng Dis­yembre 25 at mula alas-10 ng gabi ng […]

  • First time niyang makatrabaho sa ‘Start-Up PH’: YASMIEN, inakalang seryosong tao si ALDEN kaya ‘di in-expect ang pagiging bubbly

    KINUWENTO ni Zoren Legaspi na kakaiba ang naging bond ng buong cast and crew ng ‘Apoy Sa Langit’ sa kanilang direktor na si Laurice Guillen.     Bihira raw kasi si Direk Laurice na mag-open up sa mga nakakatrabaho niya sa anumang proyekto, pero iba raw ang naramdaman nito sa cast and crew ng ‘Apoy […]

  • Malakanyang, binatikos ang plano ng Senado na ipatawag si Durante para magpaliwanag ukol sa pagtuturok ng bakuna laban sa Covid- 19 sa mga PSG personnel

    BINATIKOS ng Malakanyang ang panukalang ipatawag si Presidential Security Group (PSG) commander Brigadier General Jesus Durante III sa SEnado para magpaliwanag ukol sa inoculation o pagbabakuna sa PSG troops gamit ang unregistered COVID-19 vaccine.   Umapela si Presidential spokesperson Harry Roque sa Senado na igalang ang hiwalay na kapangyarihan sa pagitan ng ehekutibo at leislaturang […]