POKWANG, nag-react sa paggamit sa kanilang mag-asawa ng isang ‘dating app’; manggagantso, planong ireklamo sa NBI
- Published on January 13, 2021
- by @peoplesbalita
NAG-REACT si Pokwang sa paggamit sa kanilang mag-asawa ng isang dating app.
At tila plano nitong ireklamo sa N.B.I. (National Bureau of Investigation) ang pangyayari.
Pinost nga niya sa kanyang Instagram account ang post ng isang netizen na may pangalan sa kanyang Facebook na Marl B. Mendoza at tila miyembro o baka admin o kung ano man ng Facebook group na Filipino Women looking for Foreign Husband.
Ginawa niyang example si Pokwang at ang partner nito na si Lee O’ Brian na diumano’y nagkakilala through the dating app,www.filipino2meet.com. Kumbaga, ginawang parang endorsers na rin ang dalawa ng naturang dating site.
At pinalabas pa ng netizen na ito na “friend” niya ang komedyante.
Pinost ito ng buo ni Pokwang at saka sinabi na, “hindi ko po siya friend at hindi po kami sa dating site nagkakilala ni papang @leeobrian sa movie po kmi nagkakilala ang ‘Edsa Woolworth’ na produced ng TFC at directed by @johndlazatin mga mag gagantso!!! wag ganoon!!! Attention #NBI sino po pwede kausapin para ipahanap ito? Wooohoo”
***
SA unang pagkakataon ay magtatambal ang Kapuso stars na sina Glaiza de Castro at Rayver Cruz sa upcoming drama series na Nagbabagang Luha sa GMA Network.
Ang serye ay adaptation ng classic ’80s movie na pinagbidahan nina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Alice Dixson, at Richard Gomez.
Kahit nasa Ireland pa ay pinaghahandaan na ni Glaiza ang serye kung saan gagampanan niya ang role ni Lorna na si Maita.
Ayon kay Glaiza, “Siyempre nando’n ‘yung feeling na malaking responsibilidad kasi kahit papaano na-familiarize na kami do’n sa pelikula at nakita naming ‘yung performances nina Ms. Lorna. So, parang kailangan talagang todohin.”
Sey naman ni Rayver, na gaganap sa dating role ni Gabby na si Alex, looking forward na siyang makatrabaho si Glaiza sa serye.
“Si Glaiza lagi ko ‘yan kasama sa ‘AOS’ (All-Out Sundays) pero iba kasi ngayon pa lang kami magwo-work sa isang show, so excited ako.”
Makakasama rin ng dalawa sa Nagbabagang Luha sina Claire Castro, Mike Tan at Myrtle Sarroza.
Kung si Janine ay wala na sa Kapuso network, ang boyfriend na si Rayver naman ang tila humahataw ngayon bilang Kapuso. (ROSE GARCIA)
-
PBBM, gustong baguhin ang pagtutok sa general public health sanhi ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na baguhin ang pagtutok sa mga alalahanin na may kinalaman sa general public health bunsod na rin ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit maliban sa COVID-19 sa bansa. Nabanggit ng Pangulo ang bagay na ito sa pakikipagpulong nito kay World Health Organization director general Dr. […]
-
2021, ‘golden year of PH sports’ – POC
Maituturing umano bilang “golden year” sa mundo ng sports ang 2021. Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, sa taong ito kasi nakamit ng bansa ang makasaysayang “breakthrough” partikular sa Olympic Games. Nabatid na nasa Tokyo International Forum si Bambol nitong July 26 noong masungkit ni Hidilyn […]
-
‘I apologize’: Spence injured ang mata, laban vs Pacquiao hindi muna tuloy
Humingi ng tawad at dissappointed ang Amerikanong boksingero na makakaharap dapat ni Manny Pacquiao matapos hindi ituloy ang kanilang napipintong laban ngayong buwan dahil sa pinsalang tinamo sa mata. Ang anunsyo ni Spence ay kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules (oras sa Pilipinas). “I am very disappointed that I […]