Nag-reminisce sa 15 years na ‘di nagkita: GABBY, palaging concern sa happiness ni KC
- Published on June 22, 2023
- by @peoplesbalita
ANG Kapuso love team and real couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ang bibida sa “The Cheating Game,” ang first movie offering this 2023, ng GMA Public Affairs, na pioneer in documentary, talk and news magazine programming.
First movie team-up din naman ito nina Julie Anne at Rayver, na unang napanood na mga hosts ng “The Clash” singing competition at mga mainstays ng Sunday GMA noontime show na “All Out Sundays.”
Ang “The Cheating Game” is a feverish, deep dive into the psyche of two individuals who were cheated on and how differently they react to betrayal.
Sa direksyon ni best-selling author, Rod Marmol, mapapanood na ito in cinemas simula sa July 26.
Ready na ba ang mga fans ng JulieVer na kiligin sa kanilang mga idolo, at makilaro sa kanila? Game na rin ba kayong masaktan?
Let the games begin!
***
ANG gandang panoorin ang vlog ni Gabby Concecpcion na “A Day Journey After 15 Years” na kausap niya ang panganay niyang anak, si KC Concepcion sa former wife niyang si Sharon Cuneta.
Nag-reminisce ang mag-ama noong 15 years silang hindi nagkita ni KC dahil nasa USA siya noon. Pero alam daw ni Gabby na one day, hahanapin din siya ng anak at tatawagan siya nito.
Nagkatotoo nga iyon nang isang araw nakatanggap siya ng call sa anak at alam niyang si KC iyon, ang kanyang baby.
“First time kong nag-cut ng classes, naiwan ako ng school bus, matapos kong marinig ang boses mo, Papa,” kuwento naman ni KC.
“Natulala kasi ako, very nervous, pero hindi ko malilimutan na tuwing magkakausap tayo, lagi kang may time for me, you’re such a good father. Hindi mo ko minamadali kapag magkausap tayo,
“You are always with me not only in my good times but in the lowest of lows, you really love me, you listen, and you’re always at my side.”
Hindi rin daw malilimutan ni KC ang kanyang childhood with Gabby na naroon sila sa farm nito sa Batangas, ang dagat, shells, starfish, at iyong binibili raw lahat ng ama ang mga huling isda ng mga fishermen, ang mga outdoor adventures nilang mag-ama.
Sabi pa ni KC: “Papa is the first man I ever love and the first man of my life.”
Ang concern daw naman ni Gabby ay ang happiness ng anak. “I always want to know if you’re happy in whatever you do.”
Very soon ay mapapanood na muli si Gabby on TV dahil matutuloy na ang pagtatambal nila ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, sa isang GMA teleserye.
***
SA mediacon ng GMA Afternoon series na “Magandang Dilag” na acting debut ni Binibining Pilipinas 2022 1st Runner Up Herlene Budol, nakumusta ang leading man niyang si Benjamin Alves, tungkol sa kasal niya sa non-showbiz girlfriend niyang si Chelsea Robato.
Ayaw pang magbigay ng details si Benjamin, pero sigurado raw ang wedding nila next year. Since cousin ni Benjamin si Piolo Pascual, natanong din siya kung may participation ang actor sa wedding? Hindi pa raw niya nakakausap si Piolo nang personal, pero ang sigurado raw isa sa magiging ninang ang Mommy ni Piolo.
Since ikakasal na nga si Benjamin, natanong siya kung okey na sila ng ex nitong si Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, na boyfriend na ni Rayver Cruz.
“I saw them at the Gala ng GMA 73rd Anniversary and that’s as much interaction that we’ve had. Kasi nga this is like the first time that I’ve been in GMA since nag-guest ako sa “Family Feud” and then more or less sa “All-Out Sundays” hindi naman ako nakakapunta.
“That’s the only interaction that we’ve had and I’m happy for them and I’ll leave it at that.”
May possibility bang ma-invite sila sa wedding?
“I’ll leave it at that.”
Pero handa naman daw siyang makipagtrabaho sa kanila, wala raw naman siyang tinatanggihang trabaho.
Going back sa wedding, ayon kay Benjamin magaganap ito sa January, 2024 at dito sa Pilipinas gagawin ang wedding nila ni Chelsea.
(NORA V. CALDERON)
-
DBM, aprubado ang 25 permanent posts para sa teacher education Council ng DepEd
INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglikha ng 25 permanent positions pra sa Teacher Education Council (TEC) Secretariat sa ilalim ng Department of Education (DepEd). Ang mga bagong posisyon ay kabilang sa organizational structure and staffing pattern (OSSP) para sa TEC Secretariat, na inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman noong […]
-
Pagtalakay sa panukalang amyenda ng RTL sisimulan ng House plenary
SISIMULAN na sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong linggo ang panukalang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law na naglalayong maibaba ang presyo ng bigas. Tiniyak din ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang masusi at mabilis na pagtalakay ng Kamara upang mapagtibay ang panukala sa ikalawang pagbasa sa Miyekules. Ayon […]
-
Babaeng boksingero sa India nag-uwi ng gintong medalya sa World Boxing Championship
NAGWAGI ng gold medal sa Women’s World Boxing Championship sa Turkey si Nikhat Zareen ng India. Tinalo kasi nito si Jitpong Jutamas ng Thailand sa score na 5-0 sa flyweight division of the championship. Ito ang unang gintong medalya ng India sa championship mula ng magwagi si Olympic boxer Mary Kom […]