
MARAMING naaliw sa bonggang hirit ni Alex Gonzaga sa nilabas sa page ng Pinoy History sa Facebook para sa TOP 25 MOST BEAUTIFUL VLOGGERS (MOST ADMIRED VLOGGERS 2024).
Hindi kasi siya nakapasok na kung saan nasa Top 10 sina Jenela in Japan (1) Sachzna Laparan (2) Ivana Alawi (3), Shaha Meta (4), Bangus Girl (5), Queenay Mercado (6), Carla Albeus Topular of JomCAr (7), Maureen Dejillo (8), Dr. Krizzle Luna (9), at Petra Mahalimuyak /Ashley Rivera (10).
Komento ng aktres/vlogger, “SO DITO KAHIT PANG 26th DI MO MAN LANG AKO NACONSIDER!! Kahit saling ketket nalang oh.”
Sagot naman ng Pinoy History, “sorry Ma’am Alex.”
Kasunod nito ay ginawan na siya ng art card na kung pasok na siya sa pang-26th na kung saan mababasa rin ang iba pa niyang achievements bilang sikat na digital creator na may 13 million plus na followers.
Caption ni Alex, “Nakakaburyo kasi yung pag top 25 most beautiful vlogger, hindi man lang ako sinama. Yan atleast ginawa na ako kahit 26th.”
Paliwanag naman ng Pinoy History sa kanilang FB post, “Paumanhin po Ma’am
Alex Gonzaga, Heto na po, ‘wag na pong magtampo!
“Note: Dahil po sa kakulangan ng espasyo sa aming ginawang Art Card, hindi naisama si Ms. Alex Gonzaga sa Top Most Beautiful Vloggers 2024 dahil s’ya ay pang-26th, humihingi po ng dispensa ang pamunuan ng Pinoy History.”
Dagdag na komento pa nila, “Salamat po sa pag-unawa Ma’am, “we love you”
Sinagot naman ito ni Alex ng, “Pinoy History next time alam nyo na isama nyo ko sa cut off.”
Sumangayon naman ang netizens, na dapat daw kasama si Alex sa Top 25, dahil sa totoo lang maganda rin naman siya, nakakaaliw at talagang matataas ang views sa mga videos na kanyang ina-upload.
***
Hanggang saan aabot ang P10 mo? Walong oras na Mobile Legends sa TNT!
Madalas ka pa rin bang magbayad ng WiFi o kumonek sa internet shop para lang makapaglaro ng Mobile Legends: Bang Bang (MLBB)?
Hindi mo na kailangang gawin iyan dahil di hamak na mas makakasulit ka sa TNT Panalo 10 – ang mas pinasulit na offer ng TNT na merong 300 MB, 60 minutes of calls, at 60 texts messages to all networks – valid for 1 day sa halagang P10 lang.
Sobra-sobra pa nga ang 300 MB para sa MLBB dahil ang dalawang oras na paglalaro nito ay kumakain lamang ng 5 MB. Samantala, umaabot lang ng 17 MB ang mga practice session ng mga esports player na tumatagal hanggang walong oras.
Ibig-sabihin, bukod sa buong araw na paglalaro ng MLBB, pwede pang gamitin ang natitirang data para sa ibang online activities tulad ng pagbabasa ng tips at gameplay sa online forums, o kaya naman ang panonood ng mga livestream ng iyong mga paboritong gamers, at marami pang iba.
At dahil may kasamang 60 minutes of calls at 60 texts to all networks ang TNT Panalo 10, mas madali na ring magyaya ng mga katropa para maglaro kahit saan at kahit kailan.
Para mag-register sa TNT Panalo 10, mag-log in lang sa Smart App o sa inyong mobile wallet, mag-load sa suking tindahan, o i-dial ang *123# sa iyong smartphone.
Isa lamang ang TNT Panalo 10 sa mga mas pinasulit na data, call, at text offers na handog ng TNT sa nalalapit na 25th anniversary celebration nito. Mas pinalawak at pinalakas din ng TNT ang network nito sa buong bansa para patuloy na magbigay-saya sa mas maraming Pilipino.
Abangan ang iba pang mga exciting na promo at pakulo ng TNT sa 25th anniversary nito! Para hindi mahuli, siguraduhing i-follow ang official TNT accounts sa Facebook, TikTok, YouTube at X.
(ROHN ROMULO)