• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-topless sa kanyang IG post: CARLA, nagliliyab at pasabog ang pagsalubong sa 2023

TRENDING ang husay ni Aiko Melendez sa isang eksena sa ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters’ Lunes ng gabi, January 9.

 

Ang eksena ng pagpapakamatay ni Andrew (na mahusay ring ginampanan ni Will Ashley) sa harap mismo ng ina niyang si Lily (Aiko) ang hinangaan at pinuri ng mga netizens dahil sa nakapangingilabot at makatotohanang akting ni Aiko.

 

Dati nang nabanggit na nakaka-relate si Aiko sa papel niya sa show bilang si Lily Chua na may anak na binata dahil sa tunay na buhay ay may anak na guwapong binata si Aiko, si Adre Yllana.

 

At sa Mano Po Legacy nga ay anak ni Lily si Andrew na dumanas ng mga sakit at hirap kaya naisipang wakasan ang kanyang buhay.

 

Sa naturang eksena,  damang-dama at makatotohanan ang hinagpis at matinding sakit na naramdaman ni Lily habang pinipigilang magpakamatay ang kanyang anak.

 

Well, hindi na naman nakakagulat ang kahusayan sa pag-arte ni Aiko, patunay ang maraming parangal at papuring natamo na niya sa mga nakaraang proyekto niya mapa-telebisyon man o mapapelikula.

 

Marami pang kaabang-abang at pasabog na mga eksena sa finale week ng ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters’ sa GMA.

 

***

 

NAKATUTUWANG malaman na si Dingdong Dantes pala ay katulad ng karamihan sa atin na nakikisagot sa mga tanong sa survey sa Family Feud!

 

Bilang main man o host sa number one game show sa bansa, kahit si Dingdong mismo ay sinusubukang sagutin ang mga tanong sa mga survey sa kanyang show.

 

At natutuwa siya kapag may tumatama sa kanyang mga sagot.

 

“Nagpa-practice ako. So imagine mula umpisa hanggang ngayon lahat ng tanong nadaanan ko.

 

“So I enjoy that also tapos kapag nakaka-top answer ako tuwang tuwa rin ako. Katulad ng mga nanonood, ganun din,” sinabi ni Dingdong.

 

***

NAGLILIYAB ang salubong ni Carla Abellana sa Bagong Taon.

 

Sa pamamagitan ng mga litratong naka-post sa kanyang Instagram account ay ginulat ni Carla ang publiko sa pagta-topless niya!

 

“There’s beauty in the darkness. There’s peace in the silence. There’s purpose in the pain. You just have to believe,” ang caption ni Carla Abellana sa mga mapangahas at kagulat-gulat na larawang nabanggit.

 

Apat na larawan ng aktres, kabilang ang isang topless host niya kung saan tanging mga kamay niya ang nakatakip sa kanyang boobs ang bumulaga sa mga IG follewers ni Carla.

 

Sa iba pang larawan, naka-blazer at black pants si Carla pero walang suot na panloob na damit.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • PBBM, pinalakas ang partnership sa World Food Programe para labanan ang malnutrisyon sa Pinas

    MAS PINALAKAS pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang partnership ng Pilipinas at World Food Programme (WFP) bilang bahagi ng pagsisikap ng administrasyon na labanan ang malnutrisyon at pagkagutom sa Pilipinas.     Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na palaging bukas ang pamahalaan na magpartisipa sa anumang pagsisikap ng WFP na makatulong […]

  • SAAN NAPUNTA ANG PONDO NG DOH, INISA-ISA

    SINIGURO  ng Department of Health (DOH) na ang bawat sentimo ng mga pinag-uusapang pondo pati na  rin ang lahat ng iba pang mga public funds na inilaaan sa kagawaran ay “accounted” lahat at magagamit para sa publiko.   Tugon ito ng DOH sa panawagan na magbigay ang Kagawaran ng “breakdown”  kung paano ginasta ang P9 […]

  • JENNIFER LAWRENCE AND ANDREW BARTH FELDMAN PLAY HILARIOUS OPPOSITES IN RAUNCHY COMEDY NO HARD FEELINGS

    JENNIFER Lawrence has always wanted to make a comedy, but she just couldn’t find the right one.      Enter No Hard Feelings.     For Lawrence, it was a pleasure to do “something totally different… a totally different genre, with fun scenes and ridiculous dialogue that got me excited! Shooting this movie, alongside a brilliant […]