• May 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAG-VIRAL NA TRAFFIC ENFORCER, PINARANGALAN

PINARANGALAN ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nag-viral matapos itong saktan ng isang babaeng motorista.

 

Ang nasabing personnel ay kinilalang si Marcus Anzures na kung matatandaan ay ilang beses sinaktan ng sinita nitong si Pauline Mae Altamirano alyas Maria Hola dahil sa paglabag sa batas trapiko na kalaunan ay napag-alaman na isang drug courier pala.

Personal na inabot nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang plake ng pagkilala kay Anzures kasabay ng cash incentives.

 

Ayon kay Mayor Isko, ginawa nila ang parangal upang magsilbing inspirasyon at modelo ang ginawang pagsunod sa trabaho ni Anzures.

 

Umaasa ang alkalde na magdo-doble sikap ang iba pang tauhan ng MTPB at huwag silang matakot na gampanan ang kanilang trabaho hangga’t sila ay nasa tama.

 

Samantala, personal naman na inabot n iMayor Isko ang mga donasyon na “vest” sa mga tauhan ng Manila District Traffic Enforcement Unit kasabay ng pagkakaloob ng 22 tricycle na donasyon ng pribadong sektor para sa mga miyembro ng TODA sa Balut, Tondo. (GENE ADSUARA)

Other News
  • ROMANTIC THRILLER “BONES AND ALL” SERVES OFFICIAL TRAILER

    YOU can’t run from who you are. From acclaimed director Luca Guadagnino (“Call Me By Your Name”) and starring Taylor Russell, Timothée Chalamet, and Mark Rylance – watch the “Bones And All” trailer now and see the movie only in cinemas November 23.     YouTube: https://youtu.be/g1od7PPS5w4     Facebook: https://www.facebook.com/warnerbrosphils/videos/1079169459466761/     About “Bones and All”     […]

  • Roque, pinag-aaralan na magbitbit ng kaso sa European Court of Human Rights para kay Duterte

    Plano ni dating presidential spokesperson Harry Roque na magsampa ng kaso sa European Court of Human Rights laban sa umano’y diskriminasyon sa pagkakakulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Giit ni Roque, may tradisyon sa Netherlands na hindi ikinukulong ang mga 80 taong gulang pataas. Naniniwala siyang dapat palayain si Duterte dahil sa age-based discrimination at […]

  • 55 miyembro ng CPP-NPA, sumuko

    KASABAY  sa pagdiriwang ng ika-54 na ani­bersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) kahapon (Dec. 26) ay siya namang pagsuko sa pamahalaan ng may 55 miyembro nito. Inihayag ito ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Major General Jonnel  Estomo sa isinagawang programa kahapon ng umaga sa NCRPO headquarters sa Bicutan, Taguig City […]