• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagbabala na ‘wag magpa-picture sa naka-costumes: YSABEL, nabudol sa Amerika ng ilang street performers

NASA Los Angeles, California kasi si Ysabel para sa Manila International Film Festival.

 

 

At sa recent post in Ysabel sa kanyang Tiktok account ay inilahad niya ang pambibiktima sa kanya ng ilang street performers na naka-costume.

 

 

“Alam niyo ba, first day pa lang namin sa LA, nabudol na kaagad ako. ‘Yung hotel namin nasa Hollywood Boulevard, and we went to Walgreens.

 

 

“Nakatayo lang kami sa Hollywood Boulevard, ina-appreciate lang namin.”

 

 

“May lumapit na Spider-Man and Mickey Mouse tapos ang bait nila. Sabi ko, ‘Ang bait naman nila!’ Pero medyo na-feel ko na parang something’s off,” pagpapatuloy pa ni Ysabel.

 

 

“Lumapit sila para magpa-picture, hindi naman sila naningil, so akala ko okay lang. So, nag-smile ako, sige.

 

 

“Tapos siningil ako ng $20!”

 

 

Mabuti na lamang at naalala ng twenty-five year old Kapuso actress na sa immigration ay sinabihan siya na mukha siyang teenager.

 

 

“So sinabi ko, ‘Sir, I’m just a minor’…Nalusutan ko naman ng $15.

 

 

“So, kung may lalapit sa inyo na Spider-Man or Mickey Mouse dito sa Hollywood Boulevard, ‘wag kayong magpapa-picture.”

 

 

Nas LA si Ysabel para sa pelikula nilang ‘Firefly’ na isa sa mga entries sa MIFF tulad ng ‘When I met You In Tokyo’, ‘Broken Hearts Trip’, at iba pa.

 

 

Wagi ang ‘Firefly’ bilang Best Picture sa MIFF at ng mga awards na Best Supporting Actress (Alessandra de Rossi), Best Director (Zig Dulay), at Best Screenplay (Anj Atienza).

 

 

 

***

 

 

 

MALAYO pa ang Halloween pero may big surprise na ang ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ (KMJS) team para sa kanilang viewers mula sa kanilang Facebook account at ito ang pag-announce ng first-ever Gabi ng Lagim The Movie.

 

 

Ang true-to–life horror story mo, pwede na ngang maging isang pelikula! At ipo-produce pa ito ng award-winning teams ng GMA Public Affairs at GMA Pictures.

 

 

Sila lang naman ang nasa likod ng Metro Manila Film Festival at Manila International Film Festival Best Picture awardee na ‘Firefly’.

 

 

Ang top 3 entries na mapipili ay makakatanggap ng cash prize na Php 20,000 each. Ongoing na rin ang submission mula February 2 hanggang February 29 para sa mga nais mag bahagi ng kanilang horror stories at bukas ito sa mga Filipino residents, 18 years old and above.
(ROMMEL L. GONZALES) 
Other News
  • MMDA nagkasa uli ng clearing operations sa Maynila

    MULING  binalikan ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ilang kalsada sa Tondo, Maynila at nagkasa ng clearing operations upang matanggal ang pabalik-balik na mga obstruksyon.     Katuwang ang mga tauhan ng lokal na pamahaalan ng Maynila, Department of the Interior and Local Government at Manila Police District, winalis ng MMDA […]

  • Gun ban violators sa BSKE, pumalo na sa higit 1,600

    TINATAYANG  nasa 1,615 gun ban violator na ang nadakip ng Philippine  National Police (PNP) simula nang ito ay  ipatupad kasabay ng isasagawang  Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa bansa.     Kampanya ito ng PNP upang masiguro na maa­yos at payapa ang barangay eleksyon ngayong taon.     Lumilitaw sa datos na inilabas ni […]

  • Alert Level 1 hanggang matapos termino ni Duterte

    Mananatili ang Pilipinas sa Alert Level 1 hanggang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hun­yo 30, 2022, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.   Sinabi ni Duque na wala pang polisiya tungkol sa posibleng magpapatupad ng Alert Level 0 at pinag-aaralan pa rin ito sa ngayon.     Idinagdag ni Duque na […]