• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagbebenta ng smuggled na sibuyas, ipagsasakdal, pananagutin sa batas- DA

NAGBABALA ang Department of Agriculture (DA) sa mga nagbebenta ng  smuggled o pinuslit na sibuyas sa  online o sa mga pamilihan na ipagsasakdal sa paggawa nito.

 

 

Ang paliwanag ni DA deputy spokesperson Rex Estoperez, hindi sila nagpalabas ng permit para mag-angkat ng  white onions o puting sibuyas.

 

 

Ang mga mahuhuli naman na nagbebenta ng  nasabing agricultural product ay awtomatikong ikakansela ang kanilang permit.

 

 

“Kapag imported at smuggled po ‘yan at kapag nakahuli tayo ng mga sinasabi natin na mga smugglers, kasama kayo sa accomplice kasi nakitaan kayo ng ebidensya,” ang wika ni Estoperez.

 

 

“May pananagutan ‘yan sa ating mga kababayan at sa aming monitoring team. Kung ano ang mangyari sa mga consumers, sagot ba nila? ‘Yan ang mga katanungan and even though nakabili ka nga ng mura pero mas mahal ang magpa-ospital,” aniya pa rin, tinukoy ang mga nagbebenta ng smuggled onions sa online.

 

 

Disyembre 12, sinabi ng DA na ang smuggled onions na nakumpiska ng mga awtoridad ay hindi angkop  para ikonsumo o gamitin matapos na natuklasan na nagtataglay ito ng bakterya.

 

 

Aniya, ang  first batch ng mga sibuyas na nakumpiska ay umabot sa 100,000 kilo na aniya’y susunugin o ibabaon sa lupa para mabulok.

 

 

Pinaalalahanan naman ni Estoperez ang mga bibili ng nasabing sibuyas na walang pananagutan ang gobyerno sa kung ano ang maaaring mangyari sa mga gagamit ng smuggled onion.

 

 

“‘Yung mga naglalabas sa merkado, paalala lang po, hindi namin sagot kung ano ang mangyari sa inyo kapag bumili kayo ng sibuyas o nagbenta ng sibuyas sa ating mga pamilihang bayan,” ayon kay Estoperez.

Other News
  • Saso hahataw sa Japan Classic

    Muling sasalang sa aksyon si 2021 US Wo­men’s Open champion Yuka Saso sa kanyang paglahok sa Toto Japan Classic bukas sa Seta Golf Course sa Shiga Prefecture.     Hangad ng 20-anyos na Fil-Japanese golfer na makopo ang korona sa nasabing 72-hole tournament hindi niya napasakamay noong nakaraang taon.     Ito ang unang torneo […]

  • 3 LRT 2 stations binuksan

    Binuksan noong January 24 ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 ang 3 stations na sinarahan dahil sa naganap na sunog noong October 2019.   Ang nasunog na 3 stations ay ang Santolan, Katipunan at Anonas. Ang 3 stations ay sinarahan dahil sa nasunog na dalawang (2) power rectifiers o transformers.   Ang […]

  • Pamahalaang Panlalawigan, pumirma ng MOA kasama ang BSEC, tatanggapin ang bahagi ng lalawigan sa kanilang kabuuang kita sa kuryente

    NAKATAKDANG tanggapin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando ang naipong halaga na humigit-kumulang P100,000 mula sa Bulacan Solar Energy Corporation bilang bahagi ng lalawigan mula sa kanilang kabuuang electricity sales simula 2016 matapos na pumirma ang dalawa sa Memorandum of Agreement alinsunod sa Energy Regulations No. 1-94.   Ang […]