• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagbigay ng update sa career sa US: Fil-Can na si MIKEY, binalitang tapos na ang first-ever Hollywood movie

BINALITA ng Filipino-Canadian singer-comedian na si Mikey Bustos na katatapos lang niya sa shooting ng kanyang first-ever Hollywood project.

 

 

 

Sa kanyang IG, nagbigay ng update si Mikey sa kanyang career ngayon sa US, pero hindi niya muna binanggit kung ano ang project na kanyang natapos…

 

 

 

“It’s a wrap! Wrapped yesterday for my first ever Hollywood tv/film role.

 

 

 

“Crazy right?! Never imagined this day would come, as it’s a dream I’ve secretly been hoping for/working towards since I was a kid. If you’re an actor friend of mine, I’ve probably bugged you at least once about how to get into professional acting.

 

 

 

“But as Lady Gaga once said, “It only takes one person to believe in you.” Someone finally did, and my heart couldn’t be more grateful! It feels like the start of something truly exciting. I never want it to end! Ever. I also was able to work with some of the most incredible human beings I’ve ever met in my life!

 

 

“Stay tuned for more about its worldwide premiere in 2023! May you all have a Happy holidays, Merry Christmas, & Happy New Year! Love you, guys! Xoxo”

 

 

 

Nakilala si Mikey dahil sa kanyang mga YouTube videos tungkol sa mga nakakatawang ginagawa ng mga Pinoy sa ibang bansa. Pinanganak at liumaki sa Toronto, Canada si Mikey at parehong Pinoy ang kanyang mga magulang. Kaya alam niya kung paano makiag-communicate at makisalamuha ang mga Pinoy sa sarili nilang paraan.

 

 

 

Bago sinubukan ni Mikey na magka-career dito sa Pilipinas, sumali ito sa Canadian Idol at nakapag-perform sa ilang clubs sa New York City. Dito sa Pilipinas, nakagawa siya ng nationwide TV commercial at naging endorser ng ilang food brands. Lumabas din siya sa ilang shows ng GMA-7 tulad ng Bubble Gang, Pepito Manaloto at Tweets For My Sweets. Nakasama rin siya sa comedy film na Sosy Problems.

 

 

 

Noong 2019, nag-out si Mikey bilang bisexual at inamin niya ang relasyon nito sa kanyang manager na si RJ Garcia.

 

 

 

Pinaglaway naman niya ang ilang beki netizens dahil sa mga paborta pics niya sa IG na resulta ng kanyang 15-month body transformation.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • 9 pulis na sangkot sa Jolo shooting, kasuhan na – AFP chief

    Nais ni AFP chief of staff Lt. Gen. Gilbert Gapay na agad masampahan ng kasong murder at planting of evidence ang siyam na mga pulis na sangkot sa Jolo fatal shooting na ikinasawi ng apat na sundalo batay na rin sa rekomendasyon ng NBI.   Sa isinagawang Senate hearing, dismayado si Gen. Gapay na hindi […]

  • 9 PANG PUGANTENG JAPANESE NATIONAL, PINA-DEPORT

    PINABALIK sa kanilang bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na puganteng Japanese national na wanted sa Tokyo dahil sa telecommunications fraud.     Ang mga pugante ay umalis patungong Narita via Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, kasama ang kanilang mga Japanese police escort .     Kinilala ang mga pina-deport na sina […]

  • New ‘Snake Eyes’ Character Poster Revealed Ahead of Teaser Trailer

    PARAMOUNT Pictures revealed a new Snake Eyes character poster ahead of teaser trailer, in order to get G.I. Joe fans hyped for the upcoming origin story feature film.      Snake Eyes will star Henry Golding (Crazy Rich Asians) in the leading role and take a deep dive into his origin story.     Various G.I. Joe comic books offer different explanations for the […]