• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagiging emosyonal dahil sa paghihiwalay: SAM, ayaw sagutin kung makikipag-ayos pa kay CATRIONA

EMOSYONAL si Sam Milby nang mapag-usapan ang break-up nila ni Catriona Gray sa kanyang interview with Boy Abunda sa ‘Fast Talk with Boy Abunda.’
Una munang tanong ni Kuya Boy ay kung paano nakaapekto sa kanya ang break-up with Catriona at kung paano niya ito na-handle.
Dito inamin ni Sam na hindi naging madali sa kanya, “Honestly, not well.”
Ayaw niya raw sanang pag-usapan tang break-up nila ni Catriona pero kinailangan niyang sagutin ang issue ng third party kay Moira dela Torre kaya nagpa-interview siya recently para linawin ang maling tsismis.
Sey niya, “Sa amin ni Cat, we’ve always been private about our relationship and out of respect sa kanya, I still don’t feel comfortable taking about our relationship.
“It’s been rough. No break-up is easy and it’s really been rough. I mean, it wasn’t only mag-boyfriend-girlfriend kami, we were engaged. And to have that not pushed through, it’s been really rough, honestly.”
Hanggang sa naging emosyonal na si Sam at napahagulgol na.
“I didn’t expect to be emotional right now. I’m sorry, it’s a hard subject that I just don’t want to talk about it. But if people think that it’s pretty easy for me, it hasn’t.”
“I’m not an emotional person. That’s why it’s. . .I don’t wanna go into details and the more you talk about any issue, mas maraming bala ‘yung mga tao to use against you.”
Sabi pa niya, “I have so much love and respect on both sides, I wanna believe, but it hasn’t been easy at all.”
Inamin ni Sam na hindi rin naging madali para sa kanya ang makitang umiiyak ang ex-girlfriend niya noong concert ni TJ Monterde.
“I didn’t know TJ, first off, he has beautiful songs. I didn’t know na ganu’n ‘yung mga songs niya and it’s kind of. . .yeah. It was such a beautiful concert but it was really hard.
“A woman that I still love and care about, I see a few seats away from me is crying. Beautiful songs. And I didn’t know how to react. Like I said, I really don’t feel comfortable talking about details about that but if people thought that I was comfortable, I was complete opposite, I was not comfortable during that concert.
“And it’s something that should be celebrated because it was a beautiful concert, my best friend was directing, John Prats. But it was a hard situation and I was kind of frozen at that time. Yeah, it wasn’t easy at all,” pahayag ni Sam.
Nakiusap naman si Sam na hindi na niya sasagutin ang tanong kung dumating siya sa puntong makikipag-ayos kay Catriona.
**”
BONGGA ang naging birthday gift ni Joey de Leon kay Maine Mendoza dahil siya mismo ang nag-effort na gumawa nito.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Joey ang larawan ng portrait na gift niya kay Maine na siya mismo ang nag-paint.
Ipinaliwanag niya ang kanyang painting at nagpasalamat kay Maine sa 10 years nilang pagsasama sa “Eat Bulaga.”
“This is my gift to the Birthday Girl Maine—a self portrait with a touch of Yaya Dub (polka dots). Thanks Menggay for the happy and funny ten years as a Dabarkads”
Sa comment section ay sumagot naman si Yaya Dub ng “Thank you, Boss Joey! Love you.”
Love talaga ni Joey si Maine.
(ROSE GARCIA) 
Other News
  • PIA, sinira siraan ng kapatid dahil dinedma sa tulong pinansyal

    NAKAALIS na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach patungong United Kingdom sabi ng taong malapit sa kanya.   May personal na lakad daw ang dalaga at mukhang inaadya ng pagkakataon na pumunta ng UK si Pia kung saan nakatira ang kapatid niyang si Sarah Wurtzbach-Manze na posibleng sumegue na para makausap ang bunsong kapatid.   […]

  • 11 baboy naharang sa Quezon City positibo sa ASF

    KINUMPIRMA ng Bureau of Animal Industry (BAI) na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang mga baboy na laman ng isa sa dalawang truck na naharang sa livestock checkpoints sa Quezon City nitong weekend.         Ayon sa BAI, matapos ang pagsusuri, 11 baboy ang nakitaan na agad ng ASF infection bago pa isagawa […]

  • Checkpoint tinakbuhan, rider arestado sa Malabon

    BINITBIT sa selda ang 25-anyos na rider matapos takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita nang parahin siya dahil walang suot ng helmet sa Malabon City.     Tumagal din ng ilang minuto ang habulan sa pagitan ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 at ng rider na si alyas Jay-ar, residente […]