Naging emosyonal sa naitulong ng musika sa buhay niya: GLAIZA, nananalig kay Lord kung kailan sila magkaka-anak ni DAVID
- Published on March 19, 2025
- by @peoplesbalita

MTRCB at NCCT, muling lumagda ng kasunduan para sa pagsusulong ng Responsableng Panonood at Makabatang Programa sa Telebisyon
MULING pinagtibay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at National Council for Children’s Television (NCCT) ang kanilang pagtutulungan nitong Miyerkules, Marso 12, matapos nilang lagdaan ang panibagong Memorandum of Agreement (MOA) na magsusulong sa responsableng panonood at makabatang programa sa telebisyon.
Layunin ng MOA na makapagbalangkas ng kooperasyon at kolaborasyon sa pagitan ng MTRCB at NCCT upang mai-angkla sa mga programa ng dalawang ahensya gaya ng Responsableng Panonood (RP) ng MTRCB at Media and Information Literacy Education services (MILES) ng NCCT para maprotektahan ang kabataang Pilipino laban sa mga mapanganib na palabas.
Sa kanyang mensahe, nagpasasalamat si MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa NCCT sa patuloy nitong “pagsuporta sa mga programa ng ahensya.”
“Ang MTRCB at NCCT ay matagal nang nagtutulungan para sa parehong layunin–ang maprotektahan ang kabataang Pilipino laban sa mga mapanganib na content,” sabi ni Sotto-Antonio. “Ang kasunduang ito ay sumasalamin sa ating dedikasyon na maisulong ang responsableng panonood at ligtas na panoorin.”
Sinabi naman ni NCCT Executive Director III Desideria Atienza na ang MOA ay hindi lamang pormalidad kundi isang pangako tungo sa pagbuo ng ligtas na media para sa Pilipino.
“Kasama ang MTRCB, tayo ay kikilos upang maiangat ang kalidad ng mga pambatang palabas at matiyak na ang mga napapanood ng bawat bata ay nakakatulong sa paglinang ng kanilang kakayahan,” sabi ni Atienza. “Kami sa NCCT ay naniniwala na sa pamamagitan ng tama at angkop na palabas, mahuhubog natin nang tama ang kaisipan ng bawat bata na may malaking benepisyo hindi lang sa susunod na henerasyon kundi sa ating lipunan.”
Ang kolaborasyon ng dalawang ahensya ay nagpapakita sa matibay na misyon ng gobyerno na mapalakas ang kampanya sa responsableng panonood at ligtas na paggamit ng media.
(ROHN ROMULO)
-
QC nasa state of calamity
ISINAILALIM na ang Quezon City sa State of Calamity sa kalagitnaan ng Community Quarantine sa Metro Manila dahil sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa isang public address, ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na “it has to be done” para magamit ng siyudad ang quick response funds nito na makatutulong sa […]
-
Nag-translate sa ilang eksena sa bagong serye: YASMIEN, napakinabangan ang kaalaman sa Arabic language
NAPAKINABANGAN ni Yasmien Kurdi ang kaalaman niya sa Arabic language sa bago niyang teleserye na ‘The Missing Husband’. Marunong si Yasmien ng Arabic words dahil matagal siyang nanirahan noon sa Middle East kasama ang kanyang ama na isang muslim. At dahil dito ay siya ang nag-translate ng Arabic words na parte […]
-
Puring-puri siya ni Sylvia at pati na rin si Zanjoe: MAINE, sobrang mahiyain kaya natagalan bago nakapasok sa bahay nina ARJO
SA simula pa lang ay puring-puri na premyadong aktres na si Sylvia Sanchez si Maine Mendoza, ang mga wifey ni Cong. Arjo Atayde. Palaging binabanggit ni Sylvia sa kanyang mga interview na maswerte siyang mother-in-law sa kanyang manugang, hindi lang kay Maine, pati na rin sa asawa ni Ria Atayde na si Zanjoe […]