• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naging mabunga ang 2-day state visit PBBM ibinida pinalakas na ‘strategic partnership’ sa Vietnam

NAKABALIK  na ng bansa si Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. kaninang madaling araw mula sa kaniyang dalawang araw na state visit sa Vietnam na nag resulta sa pagpapalakas pa ng strategic partnership sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

Ipinagmalaki ding ibinalita ng Pangulong Marcos na naging mabunga ang kaniyang biyahe dahil sa kaliwat kanang mga official engagements mula sa ibat ibang grupo mula sa gobyerno at sa business sector ng Vietnam.

 

 

Alas-3:30 kaninang madaling araw ng lumapag ang PR 001 sa Villamor Air Base.

 

 

Sa pulong nina Pang. Marcos at Viet Nam President Vo Van Thoung muling pinagtibay ng dalawang lider ang kanilang commitment na palakasin ang relasyon at tinunghayan ang exchange agreements sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

Kanilang tinalakay ang kooperasyon sa defense, maritime, trade and investment, economic, education, tourism and culture.

 

 

Nagkaroon din ng hiwalay na pulong si Pangulong Marcos kay Viet Nam Prime Minster Pham Minh Chinh and National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue, kanilang pinag-usapan ang pagpapalakas sa bilateral relations to people-to-people exchanges, parliamentary cooperation,at marami pang ibang collaboration.

 

 

Ipinagmalaki din na inulat ng Pangulo na matagumpay nilang napangalagaan ang interes ng mga negosyanteng Pinoy na nag ooperate sa Vietnam sa pamamagitan ng pagbibigay ng plataporma kung saan pwede nilang iparating ang kanilang mga plano at saloobin.

 

 

Naging mabunga din ang pulong ng Pangulo sa mga Vietnamese business leaders at ipinahayag ang interes na palawakin ang kanilang negosyo sa Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • Nag-audition at nakuha para sa isang movie: IÑIGO, muling itutuloy ang kanyang Hollywood career

    MULI ngang itutuloy ni Iñigo Pascual ang kanyang Hollywood career. Kuwento pa niya, “I’m actually going back to the States early next month. I’m doing another film in the States. I’ll be doing a movie out there, I’m excited for it. “It’s something very different from what I’ve done before, I’m going to be in […]

  • CSC sa mga honor grads: Mag-apply ng eligibility

    HINIKAYAT  ng Civil Service Commission (CSC) ang mga college students graduates na suma cum laude, magna cum laude at cum laude na mag-apply ng eligibility sa kanilang tanggapan.     Ayon kay CSC Chairman Karlo Alexei Nograles, ang nasabing eligibility ay magagamit ng mga honor graduates sa pag-a-apply ng trabaho sa mga posisyon sa gobyerno. […]

  • Ads December 7, 2021