• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagluluksa na naman ang showbiz industry: Asia’s Queen of Songs na si PILITA, pumanaw na sa edad 87

PUMANAW na sa edad na 87 ang veteran singer-actress na kilala ring Asia’s  Queen of Songs na si Pilita Corrales na ang buong pangalan ay Maria del Pilar Garrido Corrales, na isinilang nong August 22, 1939 sa Lahug, Cebu.
Last Saturday, April 12 ay kinumpirma ng kanyang pamilya ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang official statement.
Sa Instagram page at Facebook post ni Janine Gutierrez, ibinahagi ng aktres ang pagpanaw ng kanyang mamita at humihiling na ipagdasal.  Naka-tag sa post sina Jackielou Blanco at Ramon Christopher Gutierrez.
“It is with a heavy heart that we announce the passing of our beloved mami and mamita, Pilita Corrales.
“Pilita touched the lives of many, not only with her songs but also with her kindness and generosity.
“She will be remembered for her contributions to the entertainment industry, but most of all for her love of life and family.
“Please join us with your prayers and kind thoughts as we celebrate her beautiful life.
“Further details regarding memorial services will be shared soon,” ayon sa buong statement ng pamilya ni Pilita.
Our condolences and may she rest in peace.
***
TIEZA, pinarangalan ang mga Bayani ng Digmaan sa Mt. Samat Shrine sa Bataan

SA paggunita ng ika-83 taon ng Araw ng Kagitingan, ipinagmamalaki ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan ng Mt. Samat Flagship Tourism Enterprise Zone (MS-FTEZ), ang opisyal na pagpapakilala ng bagong gawang Underground Museum sa Mt. Samat National Shrine.

Pinangunahan mismo ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. ang unang pagbisita sa Bataan Legacy Underground Museum noong Abril 9, 2025—isang mahalagang hakbang sa pagpapanatili at pagsariwa ng ating pambansang kasaysayan.

Itinayo noong Abril 9, 1970 sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., ang Mt. Samat Shrine ay patuloy na sumisimbolo sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino. Sa ilalim ng MS-FTEZ ng TIEZA, binigyang-buhay ang makasaysayang museong ito gamit ang makabagong teknolohiya upang mas mailapit ang kasaysayan sa bawat bisita.

Tema: “The Legacy of Bataan and Its Heroes”
Sa bagong mukha ng museyo, tampok ang siyam (9) na konektadong exhibit tulad ng Bataan as a BattlefieldWar HeroesThe Fall of Bataan, at Heroism in Bataan. May mga interactive displays, virtual at augmented reality, holographic visuals, at iba pang makabago at nakaka-engganyong teknolohiya para sa mas malalim na pag-unawa sa kasaysayan ng World War II at kabayanihan ng mga Pilipino.

Ayon kay Atty. Francis Theodore Initorio, MS-FTEZ Administrator:
“Hindi lamang ito simpleng pagkwento ng kasaysayan—ito ay muling paggising sa ating pambansang kamalayan.”

Magbubukas muli ang museyo sa publiko ngayong Hunyo 2025.

At upang higit pang gunitain ang Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans Week, nakilahok ang TIEZA – MS-FTEZ sa makulay na “Parada ng Kagitingan” noong Abril 8, 2025 kasama ang mga entry mula sa apat na distrito ng Bataan.

Inihahanda rin ng TIEZA ang “Faces of Valor” Photo Exhibit sa University of Santo Tomas (UST) sa España, Manila mula Abril 23–30. Itinatampok dito ang mga beteranong tumanggap o nominado sa Congressional Gold Medal bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo para sa bayan. Layunin ng exhibit na palalimin ang diwa ng pagkamakabayan sa mga Pilipino at dayuhang bisita.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, isa pa rin sa most-watched programs ng ABS-CBN

    ISA pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano sa most-watched programs ng ABS-CBN.     Sa survey ng AGB-NIELSEN na ginawa mula April 26 to may 4, nasa number 11 ang programang pinagbibidahan ni Coco Martin.     Karamihan sa mga programa na pasok sa Top 20 shows ay programa ng GMA 7 dahil sila ang […]

  • Gaganap namang doktor sa ‘Abot Kamay na Pangarap’: KIM JI SOO, tuloy-tuloy ang showbiz career dito sa Pilipinas

    TULUY-TULOY ang showbiz career dito sa Pilipinas ng sikat na Korean actor na si Kim Ji Soo!       Matapos kasi ang guesting niya sa ‘Black Rider’ bilang assassin na si Adrian Park ay mapapanood naman siya ngayon sa ‘Abot Kamay na Pangarap’ bilang isang doktor.       Una naming napanood si Kim […]

  • ‘Di kinaya ang unexpected and unforgettable moment: SHARON, naiyak sa sobrang tuwa nang ma-meet ang idolong si TAEMIN

    HINDI nga nahiya si Megastar Sharon Cuneta na i-post ang larawan niya na nakaupo sa lapag habang umiiyak sa labis na kaligayahan.     Matapos ito na ma-meet niya ng personal at anang iniidolong K-pop star na si Taemin, na isa sa member ng sikat na South Korean boy band na SHINee.     Caption […]